Kristina Ruiz

51 2 0
                                    

🌻

"So missing in action na naman si lover boy of Espinosa holdings." Sabi ni Nica matapos humigop ng kape. "Kailan ba matututo yang Joaquin na yan?"

"Pupuntahan daw nya yung Isabelle sa HongKong para kumbinsihin na tanggapin yung offer na maging endorser nitong Espinosa Land." sagot ko.

"Sus ang sabihin mo, uutuin lang nya yung babae at lolokohin eventually ididispatsa na parang basahan or siya ang iiwanan. Wala. Hopeless case na yan si Joaquin kaya hindi mapagkatiwalaan ng tatay niya." Umiling-iling si Nica.

"Ito naman kung makapagsalita parang hindi mo kaibigan yung tao. Eventually magtitino din yan mare-realize din niya ang mga priorities nya." Sagot ko.

"Naku Kristina... i don't know. Kailan pa kapag pagod na ang lahat sa kanya? Kaya walang magtiyaga dyan... ikaw na nga lang yata ang taong naniniwala kay Joaquin."

Napabuntong hininga ako. "Anyway, balik na tayo sa office we need to check on the presentation that we will show Troy & Mike."

"Mabuti pa iyang sina Troy at Mike may pinatutunguhan..." si Nica.

"O meron din namang pinatutunguhan ang mga friends natin. Si Mico may bar, si Jacob may export business. Si Joaquin may real estate business." Sumakay kami ng kotse.

"Pero teka Nica, iba ang tono mo sa pangalan ni Mike ha. What's up? May hindi ba ako alam?"

Ngumiti ito. "Secret."

AlwaysWhere stories live. Discover now