⚔Chapter 16⚔

317 17 0
                                    

⚔Chapter 16⚔
🗡Grey/Vlad🗡

••Vladimir Lereg's POV••

I drove fast para puntahan si Aristia at sinuot ko na ang aking maskara..

Nakarating ako sa harap ng malaking gate at may mga bantay na mga armado.

Agad akong hinarang ng mga armadong bantay at agad nilapitan at ikinagulat nila ng makita ang aking suot na Maskara..

"Supremo...." tawag nito..

"Pasensya na ngunit hindi ka maaring pumasok na walang pahintulot ng Emperador.." Seryosong sabi nito at tinutok sakin ang baril.

"Papasukin nio sya.." Biglang sulpot ng kanilang Emperador sa kung saan na parang ako talaga ang inaantay.

"Dumating ka rin sa wakas.." Sabi nito ngunit hindi ko na sya binigyang pansin ng pumasok ito sa loob ng sasakyan.

"Sasabay ako sayo papasok para siguraduhing buhay kapang makalabas dahil inutos ni Aristia na siguraduhin ang kaligtasan mo.."sabi nito kaya't hinayaan na kami papasok ng makita sya.

"Sigurado kabang handa ka ng magpakita sa kanya? Galit at nagugulhan pa si Aristia ngayon, sa tingin mo ba'y papakinggan ka nya?"sunod-sunod na tanong ni Grey habang seryosong nakaupo sa Passenger seat.

"Wala nakong pake kung papakinggan nia ko o hindi dahil ang tanging alam ko lang ay ang sabihin na sa kanya ang totoo.." sagot ko at pinark na sa harap ng mafia headquarters nila ang sasakyan at mabilis bumaba ngunit mga baril ng mga reapers ang sumalubong sakin.

"Ibaba nio yan...bisita ko sya.." Mahinahong utos nito sa kanila.

"Emperador, alam mong bawal basta magpapasok ng kalaban rito lalo Na't ang kanilang pinuno.."sabi ng isa sa kanila habang nakatingin sakin.

"My importante syang sadya rito at kung kukwesyunin nio ako bilang emperador ay alam nio ang kalakip na parusa kaya't ibaba nio yang mga armas nio at magsitabi kayo!" Galit na utos nito at wala na silang nagawa pa ng maglakad na ito papasok kasunod ako.

Huminto ito sa harap ng isang pinto at lumingon muna sakin..

"Sigurado kana bang gusto mo na syang makausap? Tumango ako sa tanong nia.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung maganda ba yang desisyon mo dahil sobrang galit ang nararamdaman ni Aristia ngayon." Seryosong sabi nia.

"Handa kong harapin lahat ng galit nia, hindi ako natatakot sa maaring gawin nia sakin ngayon." Determinadong sagot ko at napabuntong hininga nalang ito.

"Nung gabing yon, nasaktan mo ng sobra si Aristia sa nangyari pero hindi ako tumutol sa desisyon mo dahil sa tingin ko'y nararapat lang mangyari yon kaya hinayaan kong ako na umako ng kasalanang ginawa mo dahil alam kong mas mabuti na yon para kay Aristia kesa malaman nyang ikaw ang may gawa kahit hindi ka nya maalala.."

"Ganyan mo sya kamahal?"

"Oo higit pa sa inaakala mo pero kahit anong gawin ko hindi ako yung mahal nia.. Isang malaking ilusyon lang sa alaala nia ang ilan pangyayari samin dahil halos lahat don ikaw talaga ang kasama, hindi ako.." Mapait syang napangiti kasabay ng pagbukas nia ng puntuan

"Pumasok kana , nagpapahinga sya ngayon.. magbabantay ako sa labas." Utos nito kaya't tumuloy nako papasok sa loob ngunit napahinto ako ng makita ang ilang bakas ng dugo sa sahig at sa isang babaeng duguan ang suot na damit habang naka dapang natutulog..

Aristia...

Agad akong lumapit sa kanya at kada hakbang ko palapit ay unti-unting nadudurog yung puso ko na makita sya sa ganyang kalagayan at makita ang nagdurugo nyang likuran.

Taming The Legendary Assassin (Last Season)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon