⚔Chapter 21⚔

282 16 0
                                    

⚔Chapter 21⚔
🗡Mortal Enemy🗡

••Vladimir Leregs POV••

"R-run away from me.." Utos ni Aristia

Mabilis silang nagsi iwas at tumakbo palayo kay Aristia na may hawak na dagger.

"Hon stop!!" Pigil ko pero pinanlisikan lang ako ng mata nito ng lumingon ito sa direksyon ko at pinuntirya ulit yung mga malapit sa kanya.

"F*ck!! get away from here!!" Tarantang utos ni Chase dahil wala silang mga dalang kahit na anong pamprotekta.

I was about to stop her again ng lumingon ito sakin at nanlilisik ang mata.

Tumatalab na ba ang pag experimento nila sa kanya mula pa noon??

Agad ako nakaramdam ng takot at kaba hindi para sakin, kundi para sa kanya dahil wala pakong naiimbentong panlunas sa mga bagong lason sa katawan nia at yun ang iniiwasan namin mangyari dahil maski ako hindi ko alam kung paano ko pa sya mapipigilan.

Nag iwas ng tingin si Aristia at nagfocus ulit don sa apat at sila ang patuloy na sinugod.

"Q-queen, I'm sorry !!" Hindi na ito narinig ni Aristia at nasaksak nia yung katabing dingding malapit sa kinatatayuan ni kuting ngunit agad naka iwas ito at hinabol ulit.

I want to stop her but I don't know how cause I don't want to just approach her carelessly dahil may lason yung hawak nia.

"Takbo na!!!" Utos ni Chase na sinunod naman nila at mabilis silang lumabas ng Kwarto at iniwan ako kaya kami nalang ni Aristia ang naiwan ng dahang-dahang lumingon ito sakin na nagdulot sakin ng takot habang nakatingin sa mga  mapupula nyang mata..

She took a step at ngayo'y naglalakad na papunta sa direksyon ko at walang kahit anong emosyon na makikita sa mukha nia ngunit kasabay non ng pagluha ng kanyang mga mata.

She hold her dagger ng mahigpit at napaatras ako ng unti kada lalapit sya

"H-hon si Vladimir to.."Kabadong sabi ko pero binent lang nia katagilid ulo nia ng unti habang nakatingin sakin ng seryoso at patuloy sa pagluha mata nia habang palapit sakin.

Gusto kong tumakbo palabas pero hindi ko magawa dahil nakaharang sya at pangalawa sya si Aristia na hindi ko pwedeng iwan nalang basta sa ganitong sitwasyon.

She quickly run holding her dagger and brace myself sa pagsugod nia at pumikit nalang.

Katapusan ko na..

Ngunit agad akong napadilat ng maramdaman ko ay hindi ang patalim kundi ang mabilis na pag halik ni Aristia sa labi ko.

"Welcome back Vladdy..." Nakangiti nyang sabi at yung dagger ay nasa sahig na ulit at mahigpit ako nitong niyakap.

Halos hindi pa mag process sa utak ko ang mga nangyayari..

"W-what happened??" Lutang na tanong ko.

"Hahahaha sorry If i scared you.. Gusto ko lang silang palayasin para masolo kita.." Masayang sabi ni Aristia at mahigpit paring nakayakap ngunit dahan dahan ko tong nilayo sakin para matitigan sya na ngayon ay nakangiti ng malapad at nagbalik na uli sa dati ang kulay ng kanyang mga mata.

"So you just faked it?" Di makapaniwalang tanong ko at masayang tumango-tango ito kaya agad kong pinitik sa noo nia na agad kinabitaw nia sa yakap sakin.

"Aray!! Bat ka namimitik?!" Inis na tanong nito sabay kagat sa kanyang pang ibabang labi habang kunot noong nakatingin sakin.

"Sira ka! Alam mo bang muntik na kong tumalon nalang sa bintana dahil sa titig mo?! Akala mo ba nakakatuwa??!!" Galit na sabi ko at napanguso ito at ilan sandali pa ay yumuko at nakita ko ang pagpatak ng luha nito sa sahig sabay tumalikod..

Sh*t yari na...

"H-hon sorry ...hindi ko sinasadya.. I-I'm sorry.." Mabilisan pag amo ko at sabay yakap ko sa kanya mula sa likod ngunit mas lalo lang itong umiyak at ngayon ngumangawa na.

Nagbalik na nga sya...

Ang mas iyakin at maramdaming Aristia.

"Hon sorry na di naman ako galit eh..." Bulong ko at hinigpitan pa yakap ngunit pilit na syang nagpupumiglas at panay pahid ng luha.

"A-ayoko sayo.. L-Lumayo kana sakin.." Nahikbing utos nia.

Gusto kong batukan bigla sarili ko.. I just almost forgot how sensitive she is mula pa ng bata pa kami dahil nasanay nako sa mainiting ulo nia.

Sya na ata pinaka iyakin na nakilala ko dahil kunting kibot bigla nalang umiiyak at kung iyakin yung walang maalalang si Aristia mas maramdamin yung dating sya pero nauunawaan ko dahil din naman yon sa mga pinagdaanan nia noon.

Ang problema lang ay ang ngayon kung paano ko sya mapapatahan ng biglang may pumasok sa utak ko na laging tumatalab sa ganitong sitwasyon.

"H-honey, s-sorry na .. Ibibili nalang Kita I-ice cream.." Kunwaring umiiyak na sabi ko na biglang kinatigil nito sa pag Iyak.

"T-talaga??" Inosenteng tanong nia at tumango-tango naman ako at humarap na sya pero ako yumuko lang at kunwaring nag pupunas ng luha.

"S-sorry hon.." Sya habang pilit sinisilip mukha ko.

"Hala.... Hon s-sorry.." Paguulit nia.

"Sorry na Vladdy, Di nako uulit .." Nakita ko ang pag nguso nya na ngayo'y nakatingin sakin habang patago ko syang sinisilip..

"T-talaga?di kana uulit??" Malungkot kunwaring tanong ko at tumango agad ito sabay yakap sakin.

"Hmm.. Hindi nako uulit..sorry na." Mahinang sagot ni Aristia at nakanguso parin.

Gusto Kong humagalpak sa tawa dahil naging isip bata na rin ulit sya pero hindi ko magawa dahil baka itarak na sakin ng tuluyan yung dagger na malapit lang samin.

"Kiss mo muna ko.." Pang uuto ko ng bigla tong natigilan..

"Di kita ibibili ng ice cream bahala ka dyn..." Agad itong napatingin sakin kaya agad akong napa kagat ng labi upang pigilan ang pagtawa ko..

"Isa lang ah?" Inosenteng sabi nito at agad akong tumango.

She was just about to kiss my cheek ng bigla kong hawakan ang kanyang mukha at sa labi ko napadpad yung halik nia na agad kinabilog ng kanyang mata.

"I love you My Brightest Star.." Nakangiting sabi ko at ilan sandali pa ngumiti rin sya..

"I love....."

"Ice cream..." Sagot nito na parang kumikislap pa ang mga mata at naging dahilan ng aking pag buntong hininga..

Ang aking mortal na karibal mula pa pagkabata 😑😑😑

Ice cream ni Aristia ...

Biglang Tumakbo si Aristia sa kama nia at nagtatatalon talon doon.

"Vladdy!! Vladdy!! Look I can jump really high!" Masayang sabi nia pero yung ngiti ko kanina ay kinaseryoso ko bigla habang pinagmamasdan sya.

She was jumping with joy ng mapansin kong meron talagang mali.

"Rainy..." Tawag ko sa kanya at tumigil na sya sa pagtalon at inosente akong nilingon

"Yes Vladdy??"She asked na ngayo'y naka indian seat na sa kama habang nakatingin sakin.

"How old are you??" i asked seriously na kinakunot ng noo nia..

"I'm....17 Vladdy..Vladdy why you look old suddenly?"She replied and then she suddenly looked puzzled habang nakatingin sakin sabay libot ng tingin sa kwarto.

"By the way Vladdy.. Where's kuya Aris and mommy?? Did they visit?" she innocently asked while smiling and hugging her pillow.

Taming The Legendary Assassin (Last Season)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon