ANBNI | 20: Huwag Kang Lalayo Sa Tabi Ko

339 26 1
                                    

"Sino pa ba ang hinihintay natin?" nagtatakang tanong ni Tien ng hindi pa sila tumutuloy sa kakahuyan gayong nakumpleto na nila ang kanilang mga pangkat.

Nagtatanong din ang tingin ni Xian, ang Punong Kawal ng imperyal ng makita niyang may hinihintay ang Pangatlong Prinsipe. Lumipat ang tingin niya sa kampamento ng anak ng Punong Ministro at ng Pang-anim na Prinsipe. Napansin niyang kumpleto ang mga kabayo ng mga ito kaya wala sa kanila ang hinihintay nila.

Xian, "Marahil ay may inimbitahan siyang bagong panauhin."

Tien, "Bakit wala akong narinig tungkol dito?"

"At bakit naisip mong kailangang dumaan sayo ang lahat ng bagay tungkol sa Pangatlong Prinsipe?" Puna ng Punong kawal na nagpatahimik sa isa. "Tien, nag-usap na tayo tungkol dito." Paalala ni Xian sa kaibigan.

"Nakalimutan mo na bang isa akong Ministro? Maraming nakakarating at dumaraan sa akin gustuhin ko man ito o hindi." katwiran ng tinaguriang pinakabatang Ministro ng Imperyong Salum.

Makaraan ng ilang sandali ay nakita ng dalawa ang pagdating ng tatlong itim na kabayo sakay ang mga bagong panauhin.

Ilang sandali lamang ay lumabas na ang Pangatlong Prinsipe sa kanyang kampamento upang salubungin ito matapos ipaalam ng kanyang tauhan ang pagdating ng tatlo.

Nahihiwagaang sumunod ang tingin ni Tien sa nakaitim na Xuren, "Siya ay...?"

"Ang Pangalawang Xuren ng Zhu." sagot ng Punong Kawal ng imperyal. Nakita na niya ang Xuren sa kalagitnaan ng seremonya ng ikasal ito sa Prinsesa ng Emperatris.

Tien, "Hindi ba't hinahangaan mo ang kapatid niya na si Yanru? Matagal mo ng hinahangad na magtama ang patalim niyo. Bakit hindi mo muna subukan ang nakakabata niyang kapatid?"

Xian, "Hindi mo sila maaaring ipagkumpara. Ang isa ay lumaki sa ilalim ng Punong Heneral habang ang isa ay malaya sa tungkulin ng kanyang pamilya."

Tien, "Malaya parin ba siya gayong nandito na siya sa Pamilya ng Imperyal? kung ako ang nasa lugar ng Lu Ryen, hindi ko na nanaising bumalik. Dahil hindi maiiwasan ng mga taong ipagkumpara sila ni Yanru Zhu. Nahihiwagaan parin ako kung tunay ba na mahusay siya sa paggawa ng mga istratehiya ng digmaan o sadyang pinoprotektahan lang ng kanyang pamilya ang kanyang reputasyon dahil parehong henyo ang mga sinundan niyang kapatid."

Makahulugang tinignan ni Xian ang kaibigan.

Pinatawag ng Pangatlong Prinsipe ang lahat ng pangkat upang simulan na ang pangangaso, Nahati sa tatlong pangkat ang kanilang bilang. Ang grupo ng Punong kawal at Ministro Tien, Ang pangkat ng Pang-anim na Prinsipe at ng anak ng Punong Ministro, habang ang isa ay grupo ng Pangatlong Prinsipe kasama ang bagong panauhin na Lu Ryen.

"Bago tayo magsimula nais kong ipakilala sa inyo ang Pangalawang Xuren na Zhu. Simula ngayon ay makakasama na natin siya sa pangangaso." Pahayag ni Yiju sa lahat.

Ang humihikab na si Jing na huling lumabas ng kampamento ay natigilan sa narinig. Nawala ang antok nito at mabilis na hinanap ng kanyang paningin ang taong pinakilala ng Pangatlong Prinsipe. Habang ang Pang-anim na Prinsipe na hindi interesado sa bagong panauhin ay dumiretso sa kanyang kabayo upang tignan ang kondisyon nito.

Jing, "Yura Zhu, naaalala mo pa ba ako?" maririnig ang tuwa sa tinig nito na tila natagpuan nito ang isang matalik na kaibigan na matagal na nitong hindi nakikita. Habang bahagya namang tumigil ang kamay ni Hanju sa paghaplos sa ulo ng kabayo ng marinig ang tanong ng Pinsan niya.

Biglang natawa si Jing sa sarili niyang tanong at sunod-sunod na napailing. "Nakalimutan kong matalas ang iyong memorya. Hindi mo makakalimutan ang isang tao kahit minsan mo lamang itong nakita."

Ang Nakatagong Bituin Ng ImperyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon