Prologue

49.4K 635 25
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.



----------------------



Aliza Laine Perez

"Shot! Shot! Shot!" Dumaan ang mainit na likido ng alak sa lalamunan ko pagkatapos kong lagukin ang laman ng shot glass na pinuno ng alak ng mga kasama ko.

Mayroon kaming party sa isang sikat na club, dahil birthday ng blockmate ko. We're in our third year college kaya naman pwede na kaming magpunta sa mga ganitong lugar.

"Wooh!!!" Sigaw ko nang matapos kong lunukin ang alak. Kahit na ilang segundo ko na itong nalagok, ramdam ko parin ang init nito sa lalamunan ko.

Malalaki ang ngiti namin. We've been partying for more than 20 minutes now and nakailang baso ng alak na rin ako, dahil palaging ako ang natatalo sa larong ginagawa namin.

We're spinning the bottle and to who ever it points, siya ang iinom. That's how simple our game is.

Hinawakan ko sa gitna ang bote at sinimulan itong paikutin. Tinitigan ko ang pag-ikot ng bote at tumigil ito nang tinuturo ang katabi ko. Nagtawanan kaming lahat, nakisabay ako sa hiyawan.

College life isn't easy. Marami kaming mga requirements na dapat ipasa and we had to deal with other terror professors.

"WOOH!!!" The crowd is now starting to get more hype. May mga ilan na kaming blockmates na nagpunta sa dancefloor upang makipagsayawan.

Tumigil na kami sa paglalaro, dahil umalis na ang iba. Sinubukan kong ilibot ang paningin ko at nakaramdam ako ng pagkahilo. Looks like i'm tipsy.

Umeekis ang mga paa ko habang naglakad ako patungo sa dance floor where my friends and blockmates are. I tried swaying my hips, kasabay ng musikang tumututog na nagpapaingay sa buong club bukod sa mga hiyawang nagmumula sa mga taong narito ngayon.

Habang sumasayaw ay may naramdaman akong kamay sa baywang ko. Sinubukan ko siyang lingunin, but because I drank a lot of alcohol, halos umikot na ang paningin ko.

Pero kahit na gano'n ay nagpatuloy na lang ako sa pagsayaw at ramdam ko rin ang pagsabay niya sa akin habang gumagalaw.

"Yes!!! We better enjoy this before our finals next week!!" A friend of mine said. Itinaas ko ang kamay ko at pinagalaw ito habang gumagalaw din ang baywang ko.

"You're hot." A husky voice whispered on my ear that sent shivers down my spine.

I don't know if it was the alcohol or my mind, but.. my body is starting to heat. Nag-iinit ang katawan ko at umatras pa ako para maramdaman ko ang lalaking nakahawak sa baywang ko.

Pumihit na ako paharap sa lalaki. Una kong nakita ay ang parte ng dibdib niya. He's tall. Inangat ko ang tingin ko and I caught his eyes staring at me.

Sandali akong natigil. Hindi nakagalaw nang makita ang kanyang itsura. May kaputian, matangos ang ilong, makapal ang kilay. His eyes is full of amusement, pero kita ko rin ang apoy na nagbabaga dito.. it's like.. lust.. desire.

Hinapit niya ako palapit sa kanya and I felt his hands caressing my back.

My breath hitched when he pulled me closer. Ramdam na ramdam ko ang malaki niyang katawan then he started swaying again habang dahan-dahan niyang inilaapit ang mukha niya sa akin.

One Hot Night with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon