Chapter 12

15.5K 376 11
                                    

Napatingin si Ate sa sahig nang banggitin ko si Papa. She started wiping her tears and I heard her sniff.

"Si Papa.. simula nang magkaroon ng alzheimers si Mama, kung anu-ano na ang ginawa niya." Pagkukwento niya sa akin.

"Imbes na tulungan niya kami para ipagamot si Mama, imbes na mamasada siya para may panggastos sa araw-araw, mas pinili niya ang bisyo. Manigarilyo, magsugal.. tapos ngayon naman ay sa droga." Maging ako ay naiyak sa kwento ni Ate.

"Simula nang.. nawala ka.. nang pinalayas ka," Hindi ko na napigilang humikbi sa sinabi niya.

"Palagi na silang nag-aaway noon. Maraming beses na.. naglalayas si Papa, si Mama naman laging umiiyak. Lagi kong naaabutan na parang.. magpapakamatay."

Nakaramdam ako ng guilt sa kwento ni Ate. Nasira ang pamilya namin nang dahil sa akin.

Pagkatapos magkwento sa akin ni Ate ng tungkol sa lahat ay hindi ako makapagsalita. I was just staring at my mother who's murmuring something and was playing with her fingers.

"Lumapit sa akin si Papa noon.." I started talking.

"Humingi siya ng pera, ibinigay ko ang nais niya. Dalawang beses siyang nagpunta sa akin." I blinked twice.

"Sinabi niya sa akin na may sakit si Mama... at kailangan niya ng pangpagamot kaya binigyan ko siya ng malaking halaga ng pera, pero.." Hindi ko na napigilan ang maluha pa lalo.

"Isang araw, nabalitaan kong.. nakulong siya" I wiped my tears using my finger.

"Walang.. binigay si Papa kahit na isang salapi." Saad ni Ate.

"Simula nang marinig niya ang tungkol sa'yo.. na mayroon kang magandang buhay sa syudad, kaagad siyang lumuwas. Pinigilan ko siya, pero nagalit lamang siya sa akin. Nagsisigaw siya at paulit ulit na sinabing.. wala akong kwenta.. at simula noon, hindi na siya bumalik. Hanggang sa.. narinig ko na lang din sa mga kapitbahay na.. nasa presinto na siya, nakakulong." Mahabang ani ni Ate na siyang nagbigay sa akin ng lungkot, at pagkamuhi sa aking Ama.

I calmed down. Wala munang nagsalita sa amin ni Ate hanggang sa kalmado na kaming dalawa, dahil hindi namin mapigilan ang maiyak.

Bigla kong naalala ang bunso naming kapatid. I looked around, trying to find him, but even someone's voice besides us ay wala.

Kaya tinanong ko na si Ate.

"Wala siya.. nandoon siya sa bahay ng.. asawa niya." Sagot niya sa tanong ko at nanahimik ako ulit.

"Ate, mag-iiwan ako ng pera. Para sa inyo." I said with finality. I want to help them. They are my family.

"Ipagamot mo si Mama.. pasensya na, hindi kita masasamahan dahil may mga importante rin kong inaasikaso." I said, a little bit guilty.

"Ayos lang, Aliza." Sagot naman ni Ate.

"N-nasaan na pala yung.. pamangkin ko?" Tanong niya sa akin at hindi ko alam kung bakit ang kabang naramdaman ko kanina ay biglang bumalik. Na para bang may masamang nangyari, ngunit isinantabi ko na lang muna 'yon.

As I was about to speak, nagvibrate ang cellphone ko.


From: Andrey

a2ls n aq sa trbaho sensya n kung bglaan itong als q


Kumunot ang noo ko. As much as I want to reply, hindi ko nagawa dahil biglang tumayo si Mama at sumigaw.

"Ma, kumalma ka, pakiusap!" Si Ate at sinusubukang patigilin si Mama sa ginagawa niya.

She's furious all of a sudden then she became sad.

One Hot Night with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon