Chapter 5

18.7K 426 14
                                    

We went home and my son kept on telling things about his father, Lance. Kung paano raw siya nito tinuruan ng techniques sa paglalaro, kung gaano ito kabait sa kanya at kung gaano siya kasayang kasama.

Nagdaan ang mga araw, malapit na ang pasukan ng anak ko. I became busy with work and because my friends are here in the Philippines, sila ang nag-eentertain sa anak ko tuwing busy ako. But when me and my son are together, gumagawa ako ng paraan para mabigyan ko siya ng atensyon.

They have works, but they're on vacation. Ako, purong trabaho. Para sa anak ko.

I'm in front of my laptop, busy looking at Tea Station's page. Mayroong mga customer na nagbibigay ng ratings doon and I appreciated their efforts.

"Mommy, when could I meet Tito Lance?" After a week of not hearing anything or seeing Lance pagkatapos nang aksidenteng pagkikita namin noon sa arcade.

Mamaya ay susunduin si Jared ng mga kaibigan ko, dahil susulitin na nila ang bakasyon nila at ng anak ko bago ang pasukan.

"I don't know, anak.." I replied honestly.

Jess went in my office, holding a tray where there is cake and juice. Nagpahanda kasi ako ng meryenda namin ng anak ko para mamaya ay hindi siya gutumin sa biyahe nila.

I wanted to go with them, but I couldn't because of work. Ayaw ko namang i-asa na lang ang lahat kay Jess gayong andami niya ring ginagawa.

She serves also. Even though I hired her as my secretary, tumutulong siya sa pagseserve kaya minsan ay napapaisip na lang ako kung kailangan ko bang dagdagan ang sahod niya o ano.

Ever since I started this, ako ang mag-isang nagmamanage since my friends are busy with their lives. May sarili silang trabaho. Until Jess came. She was looking for a job and I was looking for someone who could help me kaya iyon ang naging dahilan kung bakit kami nagkakilala. Gusto ko mang magpromote noon ay hindi ko magawa, dahil halos ilan sa mga staff ko ay working student.

"Ma'am, mamaya po ay dadating iyong kliyente na nagpa-appointment last week." She reminded me.

Oo nga pala at may meeting ako ngayon. A client booked an appointment for today at gaganapin iyon ngayon dito sa office ko mismo.

"Anong oras ulit iyon, Jess?" Tanong ko habang hinahanda ko ang cake para sa anak ko na palapit na ngayon sa akin.

"Mamayang ala una po, ma'am. It was suppose to be this morning, pero na-move po iyon dahil may meeting din daw po siyang iba."

"Okay, thank you. Mamaya ay paderetsuhin mo na lang dito."

Iyon lang at nagpaalam na siyang lalabas na. I watch my son eat his cake. May laruan din siyang dala, isang sasakyan at nilalaro niya iyon habang nginunguya niya ang cake at mayamaya ay titigil para sumubo ulit.

May icing na nakapalibot sa bunganga ng anak ko, pero hinayaan ko na muna iyon dahil maaari ko naman siyang punasan mamaya gamit ang wet tissue.

May sarili akong cake at kinuha ko iyon para makakain na rin.

Sabay kaming natapos ng anak kong kumain. I put the small plates back to the tray at sabay naming ininom ang juice namin.

Tinignan ko muna saglit ang laptop ko. I edited something and I am satisfied with what it looks like now kaya naman sinave ko na iyon at mayamaya ay pinatay na ang laptop para makapagpahinga ang mata ko.

Tinignan ko ang oras at nakitang 11:30 na. Lunch break.

Tumayo ako at kumuha ng wet tissue tapos ay nilapitan ang anak kong naglalaro pa rin ng sasakyan ngayon, ngunit nasa may sofa na.

One Hot Night with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon