Chapter 3

19.9K 453 7
                                    

Mabilis kaming nakarating sa hospital at kaagad na may dumalong nurses sa amin.

Nalamam kong may food allergy ang anak ko. We ate seafoods a while ago at alam kong hindi iyon ang rason, dahil matagal na rin naman kaming kumakain ng seafoods.

It was the dessert he ate. Strawberry ice cream iyon and that was the first time he ate strawberry flavored food. He usually picks chocolate or vanilla, but he wanted to try strawberry today.

"Good thing you brought him here ASAP. He have a serious food allergy. He could have died." The doctor said.

Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang balita. Good thing his father was there.

"Mr and Mrs, I suggest you na huwag nang pakainin ng strawberry ang anak niyo kahit na anong pilit pa ang gawin niya," Ani Doc.

Natahimik ako sa itinawag niya sa amin ng lalaking nasa likuran ko.

"Sorry, Doc. We're not couples. I just happen to see them at the restaurant at dinala sa hospital ang anak niya.."

Nanatili akong tahimik sa pahayag ni Lance. Well, I can't say that we're couples too. I felt a bit hurt on his opinion.. knowing that he's the father of my son, ngunit wala naman akong magawa.

Saglit na natigilan si Doc.

"Sorry.. anyway, you can check your son now." Sambit niya sa akin.

Naabutan kong tulog ang anak kong si Jared. His father, Lance also went inside. Hindi ko alam kung anong dahilan gayong hindi niya naman kami kilalang gaano.

Hinaplos ko ang buhok ni Jared at tinitigan siya. My son, he almost left me. Salamat at mayroong tumulong sa amin. Hinalikan ko sa noo ang anak ko.

"How old is he?" Narinig kong nagsalita si Lance.

Ang mga kaibigan ko'y papunta pa lamang dito. Mayamaya pa siguro ang dating nila.

"He's five." Lumunok ako.

I didn't here a reply from Lance. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, dahil nanatiling kay Jared ang mga mata ko.

I can't imagine myself living without my son. He's the reason why I fought in the past. And the reason why I am here now.

Napansin ko ang paggalaw ng kanyang mata at mayamaya lamang ay dahan dahang bumukas ang mga ito.

Nagsalubong ang mga mata namin.

"Mommy..."

"Hey, anak.. kamusta ang pakiramdam mo? Do you want anything? May masakit ba? Tell mommy, please.." Kaagad akong nagpaulan ng tanong sa anak ko dahil sa pag-aalala.

He then looked at who's behind me. Ilang segundo lamang iyon pagkatapos ay binalik niya sa akin ang paningin.

"I had a dream mommy.. you bought me the car machine that I wanted.. meron na po ba?" My son asked innocently.

Bumuka ang bibig ko, ngunit walang lumabas na kahit anong salita. Instead, my friends' voices filled the whole room when they all went in.

"Jared! Oh my gosh, how are you?" Si Ven ang unang nagsalita.

"Ali, anong dahilan ng pangangati niya kanina? We're worried!" It was Ash.

Si Abby, kaagad n nilapitan ang anak ko at hinalikan ito sa pisngi. "Jared, how are you feeling? Nag-alala kami sa 'yo.." Saad niya sa anak ko.

"I'm fine po. Thank you.." My son replied.

He smiled at us. Maybe to give us the assurance that he's really fine, pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa amin.. lalo na sa akin.

One Hot Night with a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon