Chapter 2

2.9K 52 3
                                    

Nandito ako ngayon sa coffee shop ko, dahil nagrereview ako pero hindi na ako makapagbasa ng maayos dahil nandito siya, I can't believe it sinusundan niya ba ako? o nagha-hallucinate lang ako? 


Napapikit ako sabay taas ng libro ko at tina- tago ko ang mukha ko, narinig ko naman siyang ngumisi sa ginawa ko at binaba ang libro ko upang makita ang mukha niya. 


"Di ko alam na shy type ka na pala." biro niya sakin. napangiwi naman ako sa sinabe niya.


"Di ko alam na stalker kana pala." pangbabara sa kanya, pero mas lalo siyang natawa.


"Stalker na ba yung katapat ng bar ko ang coffee shop na 'to?" napatingin naman ako sa bar niya na sarado ngayon dahil maaga pa.


"Bakit hindi ka sa bar mo bakit nandito ka sa coffee shop ko? walang alak dito." pagsusungit sa kanya. gusto ko ng mag-aral ng tahimik dito.


"Bakit ikaw nasa bar ko, umiinom sabe mo sakin di ka pupunta."


Hindi ako nakasagot sa kanya, binaba ko ang tingin ko sa libro ko.


"Pero okay lang, gusto ko naman talagang pumunta ka, nalungkot lang talaga ako dahil sinabe mong busy ka dahil pre-lims ninyo at kailangan mong mag-aral buong aral non."


"Bakit ka nga ba pumunta don? ni hindi mo nga ako gri-neet ng happy birthday."


Napatingin naman ako sa kanya.


"Para maiba, panigurado naman akong madaming nagsabe sayo ng happy birthday, why not hindi ka i-greet." balak ko sanng tumayo kaso natigilan ako sa sinabe niya.


"Tutal sinabe mo yan, maiba lang din kain tayo ng breakfast pamgbawi mo dahil pinahirapan mo ako nung nagsuka ka." pag-papaalala niya pero wala naman akong natandaan na sumuka ako.


Nagising nalang ako na nasa bar niya ako.


"Hindi ako nagsuka." wala naman talaga akong naalalang nagsuka ako, imbento.


"takteng sabe na eh.." bulong nito.


"Minumura mo ba ko?" tanong ko sa kanya sabay siningkitan ito.


Pero hindi nagtagal ay mas natitigan ko ang mata niyang kulay kayumanggi, bagay sa kanya iyon, lalo na maputi siya mas bumagay sa kanya dahil tisoy siya.


"Hindi kita minumura." natatawa nitong sabe.


"Sige na pumayag kana," napatingin ulit ako sa kanya at tinaasan ito ng kilay.


Hindi ko siya sinagot at sinimulan na bumalik sa upan kaharap siya, nakita ko naman umayos siya ng upo at inayos ang coat niya.


Tinaas niya ang kamay niya para tumawag ng waiter agad naman na pumunta si Chesca ang bagong part-timer, hinawi pa nito ang buhok bago pumunta samin, pero ng bumaling ang mata nito sakin ay umayos ito.

Tea of the Scandalous Nights (Marchero Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon