Mahilig ako sa tula At mahilig rin ako sa kanya Kaya gumawa ako ng maraming tula para sa kanya Pero kailanman ay hindi niya 'to mababasa Kasi isa lang naman akong babaeng umaasa. Umaasa sa wala. Dear Chismosa, Marahil ay binabasa mo 'to ngayon dahil wala kang magawa sa buhay mo kaya nanghihimasok ka na lang sa buhay ng iba. Hindi ko naman ipagbabawal, pero pakiusap lang, ihanda mo na ang sarili mo. Isa rin kasi akong malaking tanga, kaya malamang, maiinis ka. Love, Daniella Garcia