Diary Entry #09

506 9 0
                                    

November 18, 2018

Dear Diary,

       Nawawalan na 'ko ng gana magsulat dito, pero dahil wala naman akong kaibigang pwedeng kausapin tungkol sa tanginang problema ko ngayon, dito na lang ako maglalabas ng sama ng loob. I feel very very betrayed. Hindi ko kasi alam na yung taong akala kong ubod ng bait ay may kakayahang manipulahin ako nang gano'n. Pero naiinis ako sa sarili ko. 

       Bakit sa halip ng ginawa niya, gusto ko pa rin siyang maging kaibigan? Makausap? Siguro kasi nababaliw ako ngayon, wala akong mapaglabasan ng mga iniisip ko. Siya 'yon dati eh. Gusto ko siyang kausapin at makipag-ayos. Gusto ko siyang patawarin pero hindi naman siya humihingi ng sorry! Magmumukha akong desperada kapag ako ang naunang mag-approach dahil lang sa wala na 'kong ka-late night talks. 

       Pero sa totoo lang, desperada nga ata talaga ako. Wala na akong gaanong pakialam sa ginawa niya sa'kin. Iniisip ko na lang na pwede naming kalimutan na 'yon at bumalik sa pagiging barkada. Hindi na kasi siya sumasama sa barkada, at dahil alam nilang kami ang pinaka-close, ako ang tinatanong nila. Teka, pakalat-kalat ata yung kwento ko. Pero ayun, nakakasawa silang sagutin ng "hindi ko alam", at kung anu-anong palusot. Wala na nga akong pride, sinusubukan ko siyang i-message at kausapin sa school, pero bigla siyang lumiliko papunta sa ibang direksyon at saka maglalakad nang mabilis. Galit ako sa ginawa niya sa'kin, pero gusto kong ibalik yung friendship namin. Pero hindi dapat gano'n diba? Ibang klaseng karupukan naman 'to. Pero matuturing bang karupukan yung gusto ko siya maging kaibigan na lang kaysa yung maging jowa ko? Iba naman 'yun diba? Naiintindihan ko rin naman kasing nagawa niya lang yun bilang coping mechanism. Ewan.

       Siguro na-guilty rin siya. Umiiwas kasi siya eh. Kung na-guilty siya, hindi ba sign 'yun na pwede naming ibalik yung friendship na meron kami dati? Mahirap kasi paniwalaang ni isa sa mga 'yon ay hindi naging totoo. Kahit bilang kaibigan, may pag-aalala siyang naramdaman noong panahong nahihirapan ako. May kasiyahan siyang naramdaman noong nagkakatuwaan kami. Hindi 'yon malabo. At kung talagang masama siyang tao, hindi siya ang unang iiwas at aalis sa barkada para hindi ako mawalan ng kaibigan. Gusto kong magkaayos kami, kaya sana naman pansinin niya na ang pag-reach out ko sa kaniya.

Kumusta ka na?
Kay tagal na kitang hindi nakakasama,
Mula noong umamin ako
Ikaw ba ay nagtatago?

Isang malaking pagkakamali
Pinagsisisihan ko bawat sandali
Tuwing nasisilayan ka'y nagmamadali
Nilalayuan mo ba 'ko?

'Wag ka namang ganyan oh?
Wala akong hinihingi sa'yo
Simpleng pagkakaibigan lang
Kaya pakiusap, pansinin mo ako

Love,
Dani

Diary ng Umaasa (REVISING)Onde histórias criam vida. Descubra agora