Diary Entry #10

326 5 0
                                    

November 1, 2019

Dear Diary,

       Heto na naman tayo. Wala na talaga akong masabi sa diary na 'to. Puro siya na lang ang laman. Magmula noong umamin ako, at nalaman kong hindi pala talaga niya ako gusto, ay hindi na niya ako kinausap pang muli. Medyo nakakainis. Iniisip niya bang naghahabol ako kasi gusto ko pa rin siya? Hindi ko na siya gusto. Gusto ko lang naman bumalik siya sa tropa namin at gusto kong maging kaibigan ulit siya kasi na-realize ko nang we're better off as friends.

       Hindi ko man maitatanggi na nag-enjoy ako nung mga panahong may palihim akong pagtingin sa kaniya, pero nakalipas na ang lahat ng 'yon. Kailan kaya siya magiging komportable na kausapin ako ulit? Na kaibiganin ako ulit? Ako kasing biktima, naka-move on na. Kailan kaya niya mapapatawad yung sarili niya? 

      O baka napatawad niya na yung sarili niya. Sadyang ayaw niya na lang magkaroon ng kung anumang relasyon sakin. Ang tindi naman niya. Wala lang ba sa kanya yung pagkakaibigan namin? Hindi siya nanghihinayang sa pinagsamahan namin? Ako lang ba yung nakaramdam na walang makakasira ng friendship na 'yun? Sabagay...kung gusto, may paraan. At kung ayaw, maraming dahilan.

Sa paglipas ng panahon,
Relasyon nati'y huminahon.
Kung dati'y nahihirapang umahon
Ngayo'y pag-ibig ay tila yumaon

Nasaan na ang masayang relasyon?
Ang patay malisyang kilig na iyon,
Na nadarama tuwing ika'y nandoon,
Ay 'di na maramdaman sa lumipas na taon

Nawawala na nga ang pakiramdam na angkin
Ang pakiramdam na ako'y mahal mo rin
Dahil kahit anong gawin ko upang ibalik ang atin
Ramdam ko, na ayaw mo na akong kausapin

Love,
Dani

Diary ng Umaasa (REVISING)Where stories live. Discover now