September 3, 2018
Dear Diary,
Ayoko na. Gusto ko nang bumalik sa dati. Ngayon lang ako nagkaron ng crush, tapos kaibigan ko pa. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bagong-bago sa'kin lahat ng nararamdaman ko at gusto ko na lang tumakas.
Pero parang imposible ata. Sa tuwing gusto ko siyang kalimutan, susulpot siya at gagawin na naman yung lagi niyang ginagawa. Makikipagkwentuhan, makikipagtawanan, tapos titignan pa ko sa mga mata. Lagi naman naming ginagawa 'yon dati pero mas kapansin-pansin na siya ngayon. May gusto na 'ko sa kanya eh.
Yung mga simpleng paglapit niya sa'kin tuwing magkakasama ang buong barkada, napapansin ko na. Napapaisip tuloy ako kung pareho ba kami ng nararamdaman pero parang imposible. Pano kung nagpapakatanga lang ako? What if I'm just giving meaning to actually meaningless things? Ay taray, biglang nag-english.
Ewan ko ba. Ayoko na talaga. Ayoko na sa malisyosang utak ko, palit tayo please?
♡
Masakit...masakit umasa
Pero hindi ko mapigilan
Ang mapungay mong mata,
Ang matamis mong ngitiHindi ko mapigilan
Ang nararamdaman
Ito na naman,
Ang katangahanAssumera, feelingera
Akala mo gusto ka niya
Pero mabait lang siya
Ganyan din siya sa ibaLove,
Dani
![](https://img.wattpad.com/cover/150964900-288-k958985.jpg)
YOU ARE READING
Diary ng Umaasa (REVISING)
PoetryMahilig ako sa tula At mahilig rin ako sa kanya Kaya gumawa ako ng maraming tula para sa kanya Pero kailanman ay hindi niya 'to mababasa Kasi isa lang naman akong babaeng umaasa. Umaasa sa wala. Dear Chismosa, Marahil ay binabasa mo 'to ngayo...