Diary Entry #02

414 18 2
                                    

August 20, 2018

Dear Diary,

       Sabi ko talaga kaibigan ko lang siya. Ay, crush pala. Pero normal pa ba 'to? Crush ko lang siya tapos lagi ko siyang hinahanap. Kapag magkakasama kaming magkakaibigan tuwing break time, siya agad ang hinahanap ng mata ko. Pakiramdam ko nga mahahalata na ko. Paano, parang lumiliwanag yung mukha ko kapag nakikita ko siya, tapos kapag wala naman siya wala rin akong gana.

       Crush pa rin to diba? O baka obsessed ako? Hindi naman siguro. Normal lang naman 'to diba? Siguro hindi na normal kapag nabali ang leeg ko kakalingon minu-minuto kapag wala siya. Sa ngayon, maayos pa naman ang leeg ko.

       Pero bat nga ba kasi hindi nagpapakita yon? Busy ba siya? Bakit ba siya lagi ang laman ng diary na 'to? Ah, oo nga pala. Kapag kasi hindi, edi boring. Wala na kong ibang malalagay sa diary.

       Oh, dahil wala na 'kong malagay, magsusulat ulit ako ng tula. Tula para sa mga tangang uhaw na uhaw sa silay:

Ako'y baliw na
Minu-minuto'y lumilinga,
Hinahanap-hanap ka,
Para lang masilayan ka

Tuwing nakikita ka,
Higit sa ikakasal ang sayang dama
At 'pag ika'y di nakita,
Ay tila pinagsakluban ng langit at lupa

Nakakabanas, nakakirita
Hindi mapakali sa isang tabi
Hangga't kaya'y hahagilapin ka,
Kahit na nakakapagod na

Love,
Dani

Diary ng Umaasa (REVISING)Where stories live. Discover now