August 29, 2018
Dear Diary,
Isang linggo na pala ang nakalipas. Hindi ako nakapagsulat dahil medyo busy ako. Hindi sa school, kundi sa pakikipag-chat sa kanya. Nagulat nga ako eh. Siya yung unang nag-chat. Dati pa naman kami nagchachat, pero kamustahan lang. Hi, hello, tapos wala na. Pero ngayon tuloy-tuloy. Walang pahinga. Ang dami naming napapag-usapan. Kung anong ginawa namin buong araw, kung may assignment ba o project, kung kumain na ba o matutulog na—ang dami!
Sa sobrang dami naming pinag-uusapan, naiinis ako kapag hindi kami nag-uusap. Sinasanay niya kasi akong magkausap kami lagi, kaya nagagalit ako kapag hindi niya ako nirereplyan. Minsan naman nag-aalala ako. Baka may pinagdaraanan siya o masama ang pakiramdam niya? Hindi ko nga alam kung bakit ako ganon mag-isip. Crush ko lang naman kasi siya diba? Bakit parang ang OA na? Ni hindi nga niya alam na crush ko siya. Pigilan mo ko, Diary. Hindi pwedeng lumalim 'to. BAWAL!!!!
♡
Nasasanay na ako,
Na kausap ka bawat minuto,
Kapag nalimutan mong kausapin ako,
Ay grabe, sobra akong magtampoMasyadong nagiging ilusyonada,
Masyado nang umaasa,
Kung mag-alala ay sobra-sobra,
At nauubusan na ng pasensiyaTanga! Walang kayo!
Iyan ang sabi ng utak ko,
Pero gusto ko siya!
Iyan ang sigaw ng pusong tanga
Love,
Dani
![](https://img.wattpad.com/cover/150964900-288-k958985.jpg)
JE LEEST
Diary ng Umaasa (REVISING)
PoëzieMahilig ako sa tula At mahilig rin ako sa kanya Kaya gumawa ako ng maraming tula para sa kanya Pero kailanman ay hindi niya 'to mababasa Kasi isa lang naman akong babaeng umaasa. Umaasa sa wala. Dear Chismosa, Marahil ay binabasa mo 'to ngayo...