Diary Entry #11

548 9 3
                                    

August 3, 2020

Dear Diary,

       Long time no see, akala ko nawala ko na yung diary na 'to. Isang taon na naman ang nakalipas, at may narinig akong kanta ngayon, pero hindi ko alam yung title at singer kasi hindi naman talaga ako mahilig sa mga kanta. Narinig ko lang habang naglalakad sa kalsada, tapos bigla ko siyang naalala. Hindi ko alam kung bakit. Ulol. Echosera ampota. Hindi raw alam kung bakit? Oo na, alam ko na kung bakit. Naka-move on na ko sa panggagago niya sa'kin pero hindi pa rin pala ako nakaka-move on sa nararamdaman ko para sa kanya. Posible pala 'yun? Dalawang taon kaming hindi nagsama at nag-usap, pero may gusto pa rin ako sa kanya? 

       At eto pa ang malala, hindi ko lang siya naalala, naluha pa ko! Bakit?! Sa galit? Sa inis? Saan? Bakit ako maiiyak? Dahil nasaktan ako? Eh hindi naman naging kami? Hindi rin naman ako sensitibong tao. Maituturing kong manhid ang sarili ko, kaya nga hindi ko napansing niloloko lang pala niya ako eh. So bakit ako nasaktan nung narinig ko yung kantang 'yun? Ni hindi ko nga narinig yung buong kanta, ilang linya lang ang narinig ko. Hindi ko alam yung meaning ng buong kanta, pero 'di naman importante 'yun. 

       Ang importante ay ayoko na. Matagal na kong tumigil na isalba yung kung anong meron kami dati, pero kung ayaw niya edi ayaw na. Isusulat ko na lang din dito yung lyrics na narinig ko para remembrance pag binasa ko ulit yung diary ko at maalala ako kung gaano ako katanga.

"And if my wishes came true, it would've been you,In my defense I have none,for never leaving well enough alone,

but it would've been fun,
if you would've been the one..."

Gusto kita,
Mahal kita,
Hindi ko kakayaning wala ka,
Pero oras na

Ayoko na,
Hindi ko na kaya
Masakit ang ala-ala,
Kaya pakakawalan na kita

Sana'y maging masaya ka
Wag kang mag-alala,
Balang araw, sa puso ko,
Mawawala ka

Love,
Dani

Diary ng Umaasa (REVISING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang