October 30, 2018
Dear Diary,
Ang dami nang nangyari, isang buwan na rin ang lumipas at nakalimutan kong may diary nga pala ako. Bukod sa naging sobrang busy ako sa school, nagulo-gulo rin yung utak at puso ko sa kanya. Nakakainis. Hindi ko na talaga maintindihan. Oo, alam kong hindi na lang talaga kaibigan ang magiging tingin ko sa kanya. Nakalagpas na ko sa in-denial stage. Alam kong umaasa na talaga ako na hindi kami hanggang magkaibigan lang. At isa lang naman ang paraan para malaman kung makakaalis nga ba kami sa label na yun. Kung aamin ang isa sa'min. At kung hindi ba naman ako sinuswerte, kilalang-kilala ko siya. Alam kong torpe siya, pero hindi ako ganon. Hindi sa umaasa akong may gusto siya sakin, pero malay natin diba?
Wala na rin akong pake kung magmukha akong desperada o walang hiya, ang mahalaga ay malabas ko yung dinidibdib ko. At sana, may chance nga ako sa kanya.
♡
Gusto niya ba ako?
O hindi?
May pag-asa ba kami?
O wala?Ah, ewan ko
Basta, isa lang alam ko:
Hindi magbabago ang ihip ng hangin,
Kung hindi ako aaminHindi naman mahalaga kung babae ang mauuna
Hindi mahalaga kung wala akong hiya
Ang mahalaga ay pareho kami ng nadarama
Sana nga, pareho kami ng nadaramaLove,
Dani
![](https://img.wattpad.com/cover/150964900-288-k958985.jpg)
YOU ARE READING
Diary ng Umaasa (REVISING)
PoetryMahilig ako sa tula At mahilig rin ako sa kanya Kaya gumawa ako ng maraming tula para sa kanya Pero kailanman ay hindi niya 'to mababasa Kasi isa lang naman akong babaeng umaasa. Umaasa sa wala. Dear Chismosa, Marahil ay binabasa mo 'to ngayo...