Diary Entry #01

1.3K 29 4
                                    

August 16, 2018       

Dear Diary,

       Hindi naman talaga ako mahilig magsulat, lalo na sa diary. Tatlong taon na ang lumipas ever since bilhin ko 'to. Wala lang, ang ganda kasi nung cover. Kaso nga lang, medyo boring ang life ko kaya di ko siya nagamit, pero ngayong may dahilan na 'kong magsulat dito, magsusulat na ko.

       Ikukwento ko sa'yo yung kaibigan ko, Diary. Si Ryder Tolentino. Ang tagal-tagal kong naging kaibigan 'yon, siguro kasing tagal din ng pagkakatambak ng diary na 'to. Dati naman, wala akong pakialam sa kanya. Puro biruan lang kami, puro gaguhan at katarantaduhan, pero parang one day, nag-iba ang paningin ko sa kanya. Hindi ko alam kung pa'no. Siguro kasi medyo gwapo siya? O dahil caring siya? Yung likas na maalagain lalo na sa babae. Kahit na lalaking-lalaki ako kumilos at talagang wala akong takot, ang lambot pa rin ng pakikitungo niya sakin. Parang babasagin (lol) na plato kung sasabihin. Dahil dun siguro. Hindi ko na kayang umakto nang normal sa harap niya. Bakit ba kasi ako nagka-crush dun? Hindi naman siguro masama kaso ewan! Ang gulo!

       Napapaisip kasi ako. Pano kung masaktan ako? Masasaktan nga ba ako? Crush lang naman diba? Hindi naman ako naghahanap ng "more than a crush" diba?

       Ah ewan ko ba. Hayaan na lang muna natin ngayon 'tong pesteng nararamdaman ko, Diary. Tignan natin kung saan 'to tutungo.

      Ito nga pala, isang tula para sa mga nagkagusto rin sa kaibigan nila:

Kaibigan noong una,
Ngayon ay gusto na
Nakakairita,
Hindi ba ang tanga?

Palihim na umaasa,
Na magugustuhan din siya
Ngunit ba't 'di makinig sa utak,
Na sinasabing sasaktan ka lang niya?

Wala na, tapos na
Nahulog na sa patibong niya
Kahit masakit, pilit na tumatawa
Ngunit umaasang balang araw, maging iyo siya.

Love,
Dani

Diary ng Umaasa (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon