Diary Entry #12

255 5 1
                                    

August 21, 2020

Dear Diary,

       So....remember I said, "ayoko na", diba? I mean ayoko nang maging crush si Ryder. Pero gago ano na naman 'to? Bigla siyang bumalik sa tropa namin. Nag-aya lang naman yung kaibigan ko na tumambay ulit, pero bigla siyang nandoon. Hindi ko inasahang makikita ko siya ulit, pero ang mas nakakagulat? Kinausap niya ko! At hindi lang basta kamustahan, napakwento siya sa mga pinagdaanan niya nung 2 years na di siya nagparamdam!

       Kesyo nagkaroon daw siya ng family problems, kinailangan niyang kausapin yung ex niya tungkol sa business partnership ng kumpanya ng pamilya nila na muntik nang masira dahil nga nag-break sila, mga ganon! Hindi ako masyadong naka-focus sa kwento niya kasi...basta! Wala akong maintindihan sa business chuchu na 'yon. Pero ang ibig sabihin no'n ay hindi niya ko iniwasan! Hindi sa umaasa ulit ako ah, pero masaya lang ako kasi pwede ko siyang maging kaibigan ulit! Kakalimutan namin yung nangyari at friends na ulit kami!

       Okay lang naman 'yun diba? Friends lang naman eh...

Isa na namang panibagong simula
Nailipat ko na ang pahina,
Upang masilayan ang susunod na kabanata,
Na akala ko'y mas ikagagalak ko na

Ngunit bakit ganito?
Parang nauulit na naman ang kwento
Tila wala itong pinagbago,
At nasasaktan pa rin ako

Mali, hindi na ito tama
Nabura na ang ngiti sa aking mga labi
Gusto ko nang ihinto ang maaaring mangyari
Ngunit hindi ko ito magawa

Pinipigilan ang antok,
Nagpapakagat sa lamok,
Makausap at makasama ka lang
Ano na nga bang gagawin sa pusong marupok?

Love,
Dani

Diary ng Umaasa (REVISING)Where stories live. Discover now