Diary Entry #05

168 8 1
                                    

September 8, 2018

Dear Diary,

       May bagyo atang tumama sa utak ko ngayon. Bagyo daw eno? Pero teka, eto kasi, umalis kasi kami para tumambay lang sa kung saan-saan, at syempre, dahil barkada siya, kasama siya. Pero hindi lang yun ang nangyari.

       Nung pauwi na kami—oo, skip tayo sa paguwi, walang matinong nangyari nung magkakasama kami. So ayun, nung pauwi na kami, magkasabay kami ng isa ko pang barkada. Itago natin siya sa pangalang gago. Si gago, medyo gago. Paano, biglang kinwento sakin na lagi daw kami pareho ng ginagawa ni Ryder. Tipong mirror effect keme daw. Sabi niya malakas ang pakiramdam niyang may gusto sakin si Ryder, pero ano bang pake ko kung meron nga diba?  Saka meron nga ba talaga? Maniniwala na ba ko?

       Hindi. Hindi ako maniniwala. Imposible eh. Ang tagal-tagal na naming magkaibigan, ang tagal-tagal na rin kayang pareho kami lagi ng ginagawa, pero hindi naman ibig sabihin non may gusto siya sakin. Malay mo idol niya lang ako diba? Mas lalaki pa kasi ako sa kanya. 

Nag-aasaran, Nagkukulitan,
Palaging naghaharutan,
Hindi alam kung seryoso ba
Totoo ba ang sinabi niya?

Bakit ako ganito?
Hindi naman sa kanya nagmula,
Kundi sa kaibigan niya,
Na ako raw ay gusto niya?

Maniniwala ba ako?
Parang hindi naman totoo
Parang ginagago niya lang ako
Nakakapangduda, oo.

Sino ba namang matino
Ang magkakagusto sa akin?
Tama, pinaglololoko niya lang ako
Dahil alam ko, walang pag-asa ang amin.

Love,
Dani


Diary ng Umaasa (REVISING)Where stories live. Discover now