Diary Entry #08

837 10 2
                                    

November 2, 2018

Dear Diary,

       Tanga. Isa akong dakilang tanga. Isang malaking tanga. Ano bang iniisip ko? Putangina naman. Akala ko araw lang ng mga patay ngayon. Hindi naman ako informed na pati pala puso pinapatay sa araw na 'to. Okay lang sana kung ni-reject lang ako eh. Okay lang sana kung sinabi lang niya na friendly lang talaga siya at hindi niya naman inaasahang magkakagusto ako sa kanya pero hindi eh. Sabi niya, matagal na niyang hinihintay yung araw na aamin ako sa kanya.

       Hindi dahil sa pustahan. Hindi dahil torpe siya at nahihiya siyang umamin, kundi dahil daw may gusto syang malaman. Gusto niyang malaman kung may gusto pa rin siya dun sa ex niya. Gago, diba? Wala raw talaga 'yon sa plano, pero napansin niya na may gusto ako sa kaniya, kaya siya nagsimulang magpakita ng motibo. Matapos yun, hinintay niyang ako ang umamin, para kapag naroon na siya sa sitwasyong 'yun, malalaman niya kung kaya niya na bang pumasok sa bagong relasyon o talagang hindi pa rin siya nakakamove-on sa lintek na ex niya.

       Minsan na nga lang ako magkagusto sa iba, tapos gano'n pa? At ang pinaka-masaklap pa ro'n, nasa iisang barkada lang kami. Ngayong ganito kami, ano nang gagawin ko? Ang unfair naman ng buhay.

Heto ako't umasa sa'yo,
Umasang mahal mo rin ako,
Ngunit mali pala ako
Maling-mali ako

Pampalipas oras mo lang pala ako
Sorry ha? Sorry kung naging tanga ako
Sorry kung nahulog ako sa'yo,
Akala ko kasi totoo

Peke pala ang lahat ng ito
Yung tawa mo,
Yung pag-aalala mo,
Pati na yung nararamdaman mo

Love,
Dani

Diary ng Umaasa (REVISING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن