Sa pamamalagi ni Max Alexandrae Trinidad sa Amerika ng ilang taon, nakalimutan na niya ang masalimuot na nakaraan niya sa Pilipinas. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Tourism. Sinuwerte siya at nakuha siyang tourguide sa isang sikat na tourism company sa Los Angeles. Isang araw, nakilala niya si Wynchester Adonis Montegracia, isang modelo sa isang sikat na modeling agency sa hollywood. Naging magkaibigan ang dalawa. Ilang linggo ang nakalilipas, ang pagkakaibigan nila ay nanatiling matatag. Hanggang sa dumating sa punto na hindi namalayan nung isa na nahuhulog na pala siya. Umamin, naging sila. Everything was perfectly fine, until one big challenge tested their love. Ano kaya ang pagsubok na ito? Ito kaya ang magwakas ng pagmamahalan nila?
32 rész