Chapter Fifty-Six

5 1 0
                                    

MAX'S POV

KINABUKASAN...

Kanina pa ako hindi mapakali sa kama ko. Pupunta ba ako o hindi? Hayst bahala na nga. Bumangon na ako at naligo. I need to prepare nalang kung ano ang mangyayari mamaya. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako at nag-ayos. Shems bakit parang kinakabahan  ako? Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng condo.

"Need a ride?" Tanong nung taxi driver pagkalabas ko ng condo.

"Yes. I need to go to Beverly Hills," Nakangiting sagot ko.

Tumango ang taxi driver at sumakay na ako ng taxi. Pinakita ko sa kanya yung address. Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating ako sa tapat ng bahay nina Elias. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Tama ba 'tong desisyon ko? Bahala na nga. Pinindot ko na yung doorbell at maya maya nagbukas ito. Bumungad si Elias.

"Oh hello dear. Welcome back," Nakangiting sabi ni Elias pero halatang plastik ang ngiti niya. "Come in."

Nag-aalangang pumasok ako sa bahay nila. Parang may mali talaga eh.

"Sit down dear. Tawagin ko lang si Chester," Nakangising sabi ni Elias at umakyat na.

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan hanggang sa makapasok siya sa kwarto ni Chester. Umupo naman ako sa sofa at hinintay sila.

"Nanny! Will you please give our visitor a snack?" Rinig kong sabi ni Elias mula sa second floor.

Char anong himalang nangyari at nagpakain siya ngayon? Biglang bumait ah. Maya maya ay dumating ang maid at nilapag ang isang platitong may cupcake at isang basong orange juice.

"Hintayin nalang daw natin sila," Rinig kong sabi ni Elias sa likuran ko. Nilingon ko siya at saktong pababa siya ng hagdan.

Sila? Si Chester lang naman ang tinawag niya ah. Hindi na ako umimik at nagpatuloy lang sa pag-kain. Si Elias naman ay naupo sa harap ko.

"Oh you're here," Nakangiting sabi ni Elias na nakaharap sa may hagdanan.

Lumingon ako at nakita ko si Chester na kasama si Lucas?

"Babe!" Sabi ko at niyakap si Chester.

Naramdaman kong nagulat siya at tinulak ako.

"Bakit tinawag mo akong babe?" Gulat na tanong ni Chester.

"Oo nga. Bakit tinawag mong babe ang boyfriend ko?" Takang sabi ni Lucas.

Boyfriend? Teka lang ah. Naguguluhan ako.

"Chester," Sambit ko.

"Sorry ah. Hindi ako si Chester. Ako si Wexford. Ang boyfriend ni Lucas," Sabi ni Chester.

Lalo akong nanghina nang marinig ko yun. Anong ibig sabihin nito?

"Anong pinagsasasabi mo? Ikaw si Chester, hindi si Wexford," Sabi ko habang nagpipigil umiyak.

"Hindi nga ako si Chester. Kung ayaw mong maniwala, umalis ka nalang. Hindi naman kita kilala eh," Nagtitimping sabi ni Chester.

Nanginginig ang tuhod ko at hindi ako makakilos. Ano ang nangyayari? Naguguluhan na talaga ako.

"Oppss. Tama na ang drama. Ngayong alam mo nang hindi siya si Chester mo, pwede ka nang umalis," Nakangising sabat ni Elias.

"Teka lang," Sabi ko at binalingan si Lucas. "Siya ba yung tinutukoy mong boyfriend mo?"

"Yeah. Siya nga. Si Wexford," Sagot naman ni Lucas.

Parang hindi ako makahinga nang marinig ko ang sagot ni Lucas. Parang naninikip ang dibdib ko sa sakit. Pero pinigilan ko lang na hindi maiyak. Tiningnan ko silang tatlo at nakayuko akong lumabas ng bahay nila.


ELIAS'S POV

Tagumpay din ang plano ko. Halata naman kay Max na nasasaktan siya eh. Kunwaring strong pa siya hindi naman bagay sa kanya.

"Sino nga ulit yun?" Tanong ni Wexford.

"Si Max Alexandrae Trinidad. Actually nagkakilala kami nung makarating ako dito," Sagot naman ni Lucas.

"Pano kayo nagkakilala?" Ako naman ang nagtanong ngayon.

"Ganito kasi yun. Pumunta kasi ako nun sa mall tapos may nakita akong wallet na nahulog. Pinulot ko tapos sinauli ko sa may ari. Eh siya pala yun. Kaya nagkakilala kami. Syempre kapwa Pinoy eh kaya nagkasundo kami agad," Kwento ni Lucas.

Napatango naman kami ni Wexford. Small world nga naman.

"Oh tara kain tayo sa labas. Treat ko," Pag-iiba ko ng topic.

Ngumiti naman sila at tumango. Well, it's time to celebrate. Mission accomplished eh.


MAX'S POV

Si Chester ay si Wexford? Paano nangyari yun?

Yan ang mga katanungang hindi mawala sa isip ko. Actually hindi ako makaiyak. Gustuhin ko mang umiyak di ko naman magawa. Ewan ko ba. Sobrang sakit na nga ng dibdib ko eh. Pero teka nga, ito ba ang sinasabi ni Elias na nagtagumpay siya? Shemay gulong-gulo na talaga ako.

Maya maya ay biglang tumunog ang phone ko. Si Luke tumatawag. Sinagot ko naman 'to.

"Luuuke!!" Bungad ko sa kanya.

"Aray ko Alex ang sakit sa tenga. Hinaan mo nga boses mo. Naka airpods ako," Reklamo niya.

"Sorry po. Bakit ka nga pala napatawag?" Sinubukan kong ayusin ang boses ko.

"May problema ka ba?" Nagtatakang tanong ni Luke.

"Wala ah. Ayos lang ako," Pagsisinungaling ko.

"Drae kilala kita. Hindi ka masyadong magaling sa pagsisinungaling," Serysosong sabi ni Luke.

At doon na bumuhos ang luha ko. "Luke ang sakit kasi eh," Umiiyak na sabi ko.

"Teka nga. Papunta na ako diyan," Iritadong sabi ni Luke.

"Wag na. Kakauwi mo lang diyan kahapon eh. Gagastos ka na naman," Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

"Hindi ako tumuloy. Bumalik ako ng hotel," Sabi ni Luke.

"Bakit hindi ka tumuloy?" Takang tanong ko.

"Nararamdaman ko kasing may kakaiba kahapon eh. Kaya nung nakita kong sumakay ka ng taxi, sinundan agad kita. Nakita ko kayong nag-usap nung Elias kaya pinagpaliban ko nalang muna ang pag uwi ko ng New York kasi alam kong kakailanganin mo ako," Pagpapaliwanag niya.

"Talaga? Oh sige puntahan mo ako. Ikwekwento ko nalang mamaya pagdating mo," Sabi ko.

"Sige pupunta na ako diyan," Sabi naman ni Luke at binaba na ang tawag.

Hayy at least may makakausap din ako. Mahirap ipunin ang sakit. Kailangang mailabas ko talaga baka ma-depress lang ako. Humanda talaga yang Elias na yan.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneWhere stories live. Discover now