Chapter Fifty-Four

9 1 0
                                    

MAX'S POV

Kakababa lang namin ng roller coaster at mangiyak-ngiyak pa din si Elisa at ang mga siraulo tinatawanan lang siya.

"Tara na. Kain na muna tayo," Sabi ni kuya Ethan.

Sumang-ayon naman kaming lahat at pumunta na sa Seaside on the Pier. Kanya-kanya kaming order ng kakainin namin. Umupo kaming lahat malapit sa entrance.

"Hindi naman masyadong mataas yung roller coaster pero grabe yung iyak at sigaw ni Elisa," Natatawang sabi ni Rossleigh.

"Sira. Natatakot ako baka dumiretso tayo sa dagat," Sabi ni Elisa na kumakain ng burger.

"Gagang to. Hindi naman siguro ganun kapabaya ang mga staff ng roller coaster para magkaroon ng aksidente tsaka pumasa naman siguro sila sa safety precautions," Natatawang sabi ko.

"Kahit na," Nakangusong sabi ni Elisa.

Nagtawanan ulit kami. Tinapos na namin ang kinakain namin at naglibot-libot na sa Pacific Park.

"Guys nagtext sa akin si mommy na magkita-kita daw tayo mamayang 5:30 sa may ferris wheel," Sabi ni kuya Tope.

"AM or PM?" Tanong naman ni Elisa.

"Malamang PM. Alangan namang umabot tayo ng madaling araw dito," Pangbabara ni kuya Tope.

Natahimik nalang si Elisa. Ayan ang daldal kasi nabara tuloy. Nag group picture muna kami sa may tabing-dagat at saka bumalik sa Pacific Park kasi malapit nang mag 5:30. Nakita naman namin sina mommy at daddy sa may entrance ng ferris wheel kaya mabilis namin silang nilapitan.

"Tara na sumakay na tayo," Sabi ni daddy.

Excited kaming sumakay ng ferris wheel. Since hindi pwedeng kaming lahat sa iisang cabin, ang kasama ko lang sa iisang cabin ay sina kuya at si Luke habang ang iba naman ay sa ibang cabin. At syempre espesyal sina mommy at daddy, dalawa lang sila sa isang cabin. Oh diba ang sweet? Nang makarating kami sa tuktok, kita namin ang magandang sunset.

"Shems. Ang ganda ng sunset oh," Manghang sabi ko.

Nilabas naman namin ang mga phone namin at kanya-kanyang kuha ng picture sa sunset. Isa talaga 'to sa mamimiss ko dito eh.


ELIAS'S POV

Nandito kami ngayon ni Chester sa Pacific Park. Gusto niya daw makakita ng sunset eh. Sinamahan ko nalang siya kasi kailangan niya ng magbabantay sa kanya.

"Ang ganda ng sunset," Sambit ni Chester at huminga ng malalim. "Nakakarelax."

Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya. Maganda naman kasi talaga yung sunset. Tumalikod ako mula sa pagkakaharap sa dagat at tumingala. Napatingin ako sa ferris wheel. Nahagip ng mga mata ko si Max. Anong ginagawa ng baklang yan dito? Agad ko namang binalingan si Chester.

"Tara Chester alis na tayo," Natatarantang sabi ko.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Basta tara na," Sagot ko. Hindi ko na siyang hinintay na sumagot at hinila ko nalang siya.

Agad kaming sumakay ng kotse niya at pinaharurot ko yun.

"Bakit ba tayo umalis agad?" Naguguluhang tanong ni Chester.

Imbes na sagutin siya, binuksan ko nalang ang bintana para makapasok ang hangin. Kailangan kong makahinga ng maluwag. Muntik na kaming makita ng Max na yun.


MAX'S POV

Kitang-kita ko kung paano hilahin ni Elias si Chester papaalis. Akala niya siguro hindi ko sila makikita. Pasalamat siya at nasa ferris wheel pa kami.

"Oh Alex ayos ka lang?" Tanong ni kuya Ethan.

"Opo kuya," Nakangiting sagot ko.

Bumaba na kaming lahat at napagpasyahang kumain ng dinner sa Bubba Gump.

"May pork steak kaya dito?" Tanong ni Elissa.

"Sira ka ba? Seafood restaurant 'to tas maghahanap ka ng pork steak?" Natatawang sagot ko.

"Malay mo may chicken kasi sila eh. Hindi naman seafood ang chicken," Sabi nalang ni Elisa.

"Wow ang galing. For the first time nabara mo ako," Pumapalakpak na sabi ko.

"In fairness kay Elisa tumalino ng 5% percent," Natatawang sabi ni Rossleigh at natawa kaming lahat.

Umorder na sina kuya at di nagtagal ay dumating na ang pagkain. Pagkatapos naming kumain, bumalik na ako sa condo kasama si Luke habang sina mommy at barkada ay bumalik na ng hotel kasi mag-aayos pa daw sila ng mga gamit nila. Uuwi na ang mga yun bukas eh. Pagkapasok namin sa unit ko, agad akong pumasok sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos kong magbihis lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko si Luke na nasa sala nanonood ng T.V.

"Oh babalik na din ako ng hotel," Sabi ni Luke at tumayo na.

"Dito ka nalang matulog please. Last na tulog mo na dito eh kasi uuwi na ako ng Pinas next month," Malambing na sabi ko.

"Sira. Saka na. Dito ako matutulog kung malapit ka na talagang umuwi. Kailangan kong bumalik ng hotel kasi baka kailanganin ako nina tita doon," Sabi naman niya.

"Nandun naman sina kuya eh. Sige na. Bahala ka magtatampo ako," Nakangusong sabi ko at yumuko.

Narinig ko namang napabuntong hininga siya. "Oo na. Dito na ako matutulog pero maaga akong gigising bukas kasi ihahatid ko sila tita sa airport," Pagsuko niya.

Napangiti naman ako ng malapad at niyakap ko siya. "Yehey. Sabi na eh hindi mo ako matitiis," Masayang sabi ko.

"Osya. Maliligo na muna ako," Sabi niya sabay pasok sa guest room. 

Habang nasa banyo si Luke, biglang pumasok sa isip ko sina Chester at Elias. Anong ginagawa nila kanina sa Santa Monica Pier? Hayy naku. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Chester. Nakailang dial ako ng number niya pero out of coverage area. Usually sinasagot niya agad ang mga tawag ko eh. Something's not right here.


VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon