Chapter Forty-Three

11 1 0
                                    

MAX'S POV

Nang makalabas ako sa building ng Hechanova Royalties, agad kong tinawagan si mommy.

"Hello anak?"

"Mommy! Ano na naman ba 'to? Akala ko ba ako ang magte-take over ng clothing line ni lola?" Nagmamaktol na sabi ko.

"Anak, I've heard what happened to you. Kaaway mo daw yung anak ng CEO ng TMZ at yung anak ng isa sa mga stockholders ng company natin. Nag aalala lang ako baka hindi ka tigilan nun," Mahinahong sabi ni mommy.

"What?! Sino ang nagsabi sa'yo nun?!" Gulat na tanong ko.

"Wynchester ata yung pangalan nung nagsabi sa'kin," Sabi ni mommy na para bang may inaalala.

Ano?! Si Chester? Paano niya nakilala si mommy? I don't remember introducing him to my parents. Napabuntong hininga naman ako saka nagpaalam kay mommy. I need to see Chester now! I need to talk to him.

Tumawag ako ng taxi at pumunta sa bahay nila Chester. I don't care kung magkita kami ni Elias. Nang makarating ako sa bahay nila, saktong nakita kong papalabas si Chester kaya lumapit agad ako sa kanya.

"Chester!" Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya at nagulat nung makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinahon ngunit mariing tanong niya.

"Gusto kitang makausap," Simpleng sagot ko.

"Sumakay ka sa kotse ko. Dun tayo mag usap. Baka makita ka ni Elias dito," Sabi niya at naunang maglakad sa kotse niya.

Sumunod naman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad akong sumakay. Sumakay na din siya at pinaandar ang kotse niya.

"Ano ang pag-uusapan natin?" Tanong niya pero nakatingin lang siya sa daan.

"Tungkol sa sinabi mo sa mommy ko," Sagot ko naman.

Gulat na napatingin siya sa'kin pero agad siyang umiwas.

"Ano naman ang tungkol dun?" Walang emosyong tanong niya.

"Gusto ko sanang malaman kung bakit mo sinabi sa mommy ko ang tungkol sa gulo namin ni Juancho at Elias," Nahihiyang sagot ko.

Saglit siyang natigilan pero pilit niyang hindi ipahalata iyon.

"Look, ayoko ng gulo sa pamilya ko. Ayaw din kitang madamay. Mas mabuti nang ikaw nalang ang lumayo," Mahinahong sabi niya.

"Teka, bakit ako ba ang nauna? Si Elias lang naman ang nagsisimula ng gulo eh," Nagtitimping sabi ko.

"Kaya nga ikaw nalang ang lumayo para hindi na lumaki yung away niyo," Kalmadong sabi niya.

"So pati ikaw lalayuan ko na? Ano ba ang ginawa ko sa'yo at ginaganyan mo na ako ngayon?" Naguguluhang tanong ko at nakita kong natigilan siya. "Okay naman tayo ah. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pati ikaw nagalit na sa'kin," Sabi ko na pinipilit na kumalma.


WYNCHESTER'S POV

Pinara ko muna yung kotse sa tabi. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"May problema ba?" Mahinahong tanong niya.

Sa halip na sagutin ko siya, niyakap ko siya. Ramdam kong nagulat siya kaya humiwalay agad ako sa yakap.

"Sorry," Sinserong sabi ko. "Hindi ka kasi nagpaliwanag nung huli nating pagkikita. Kung bakit iniiwasan mo ako. Tapos malalaman kong boyfriend mo na pala si Jameson."

Natigilan naman siya at huminga ng malalim bago magsalita. "Naalala mo pa ba yung unang araw na pumunta ako sa bahay ng pinsan mo? Yung magpapatulong sana ako sa pag aayos ng unit ko?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Nung kinuhuha mo kasi yung mga gamit mo sa kwarto mo, kinausap ako ni Elias na layuan ka dahil kung hindi, ibabagsak niya ang kompanya ng lola ko."

Nagulat ako sa nalaman ko. Kaya pala ganun nalang ang pag iwas niya. Pero bakit?

"Alam kong naguguluhan ka pero sige ikwekwento ko sa'yo ang dahilan kung bakit niya ako pinalalayo sa'yo, " Mahinahong sabi niya at kinuwento nga niya sinasabi niyang dahilan at lalo akong nagulat.

Ganun pala ang nangyari sa kanya five years ago? At kaya siya nandito sa America for safety purposes? Nakakagulat talaga ang nalaman ko ngayon sa kanya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

Ngumiti siya ng pilit at tumango. Niyakap ko ulit siya.

"Wag kang mag-alala. Naiintindihan kita pero sana wag muna akong iwasan. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako," Sabi ko at humiwalay na sa yakap. Ngumiti naman siya.


MAX'S POV

Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko ng marinig ang huling sinabi niya.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.

"Kahit sa mall nalang," Simpleng sagot ko.

Pinaandar niya naman ang kotse niya at pumunta na ng mall. Pagpasok namin ay dumiretso muna kami sa isang resto para kumain. Siya na ang umorder. Pagbalik niya, may dala na siyang tray at inilapag ito sa mesa namin.

"Pakabusog ka," Nakangiting sabi niya.

Ngumiti din ako at kumain na kami. Maya maya tumigil muna ako sa pagsubo at tumingin sa kanya. I think this is the right time para sabihin ko sa kanya.

"Chester," Pagtawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at tumigil sa pagsubo. "Jameson is not my real boyfriend."

"Ano?!" Gulat na sigaw niya. Agad niya namang tinakpan ang bibig niya nang tumingin sa kanya ang mga tao.

"Jameson is not my real boyfriend. Nagpanggap lang kami," Nahihiyang sabi ko.

"Bakit? Para saan?" Naguguluhang tanong niya.

"Pwede wag muna ngayon? Basta yun nalang muna," Mahinang sabi ko.

Tiningnan naman niya ako ng may pagdududa pero napabuntong hininga nalang siya. "Sige kung yan ang gusto mo," Sabi niya at pilit na ngumiti.

Ngumiti din naman ako at pinagpatuloy na namin ang pagkain. Pagkatapos naming kumain, nanood kami ng sine at naglaro sa arcade. Pawisan kaming lumabas ng arcade section. Tiningnan ko ang relo ko at alas sais na pala ng gabi.

"Chester teka lang ah. Magpapalit lang ako ng t-shirt," Paalam ko sa kanya.

"Samahan na kita. Magpapalit na din ako," Sabi niya. Tumango naman ako at pumunta na kami sa C.R. para magbihis.

Pagkatapos naming magbihis, napagpasiyahan na naming umuwi na pero kumain muna kami sa isang fast food chain. Pagkatapos naming kumain, hinatid na niya ako sa condo ko. Lalabas nasa sana ako ng kotse niya nang hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Dito ka muna," Pakiusap niya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"May itatanong lang ako," Kinakabahang sagot niya.

Kumunot naman ang noo at tiningnan lang siya na animo'y hinihintay ang susunod na sasabihin niya.


WYNCHESTER'S POV

Shet! Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero bahala na si batman.

"Tutal sinabi mo namang hindi talaga kayo ni Jameson," Panimula ko. "I know this may sound crazy. At hindi palang tayo matagal na nagkakakilala but in that short span of time, I felt something. I felt that I was slowly falling for you. Kaya siguro nakaramdam din ako ng selos nung malaman kong boyfriend mo si Jameson pero laking tuwa ko na hindi pala totoo yun."

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito. Siguro didiretsuhin ko na siya.

"Will you let me be your boyfriend?"


VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz