Chapter Fifty-Three

8 0 0
                                    

MAX'S POV

Nandito ako ngayon sa supermarket. Ubos na kasi stock ko sa ref eh kaya need nang mag refill. Pero yung good for one month nalang. Since one month nalang ako dito.

"Max?" Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko.

Napalingon naman ako para tingnan kung sino ang tumawag sa'kin. Si Lucas pala. Ngumiti naman ako. "Kamusta ka na?" Nakangiting tanong ko.

"Eto abala sa paghahanap," Sagot naman niya at pilit na ngumiti.

"Ano naman hinahanap mo?" Takang tanong ko.

"Hindi ano, kundi sino. Yung boyfriend ko hinahanap ko dito sa America," Nakangiting sagot niya.

"Ahh. I see. May picture ka ba niya? Baka matulungan kita," Sabi ko.

"Naiwan ko kasi phone ko sa hotel room ko. Next time nalang. Salamat," Sabi naman niya.

Napatango naman ako. Nagpaalam na siya at ako naman nagpatuloy sa pamimili. Pagkatapos kong mag grocery, bumalik na ako ng condo at inayos ang iba kong mga gamit. Tinawagan ko si Luke para tulungan ako. Hindi nagtagal ay dumating siya. Dun siya natulog sa hotel na tinutuluyan nina mommy kainis nga eh iniwan ako kagabi.

"Oh ano ang maitutulong ko?" Tanong niya sa'kin.

"Magluto ka nga diyan para sa lunch natin," Sagot ko naman.

"Tinawagan mo ako para lang lutuan kita?" Medyo iritadong tanong niya.

"Sige na. Busy ako eh," Sabi ko ng may malambing na boses.

Napabuntong hininga nalang siya at pumunta na ng kusina. Tinapos ko nang ayusin ang mga damit ko at sumunod kay Luke sa kusina.

"Ano yang niluluto mo?" Tanong ko.

"Adobo. Namiss ko Pinoy food eh," Sagot naman niya.

"Matagal pa ba yan? Gutom na ako eh," Nakangusong sabi ko.

"Sira ka pala eh. Kakasimula ko lang magluto tas itatanong mo kung matagal pa. Matagal pa 'to," Iritadong sabi niya.

"Ito naman mainit ang ulo. Osya hintayin ko nalang yan," Sabi ko at pumunta sa sala para manood ng T.V.

Habang nanonood ako ng T.V. ay naaamoy ko na yung adobo. Shems nagugutom na talaga ako. Maya maya ay naririnig ko na yung tunog ng plato na nilalapag sa mesa. Agad naman akong napatayo at pinatay yung T.V. Umupo na ako sa mesa at sakto namang nilalapag na ni Luke yung ulam.

"Pauwi na sila bukas," Sabi ni Luke.

"Anong oras ba sila aalis?" Tanong ko sabay inom ng tubig.

"After lunch daw eh," Sagot niya naman.

"Edi gumala tayo ngayon. Sulitin na natin kasi next month uuwi na ako baka matagal pa bago ako makabalik dito," Masayang sabi ko.

"Sige tapusin mo na yang kinakain mo," Sabi niya.

"Hindi ka ba kakain?" Takang tanong ko.

"Busog ako," Tipid niyang sagot.

"Akala ko ba miss mo na ang Pinoy foods," Taas kilay kong sabi.

"Nabusog ako sa amoy ng adobo eh," Sabi niya sabay tayo at pumunta ng sala.

Problema nun? Nakakabusog na pala ang amoy ng ulam ngayon? Hayy naku. Bahala siya dun. Pagkatapos kong kumain, ako na ang naghugas ng pinagkainan ko.

"Ako na diyan," Rinig kong sabi ni Luke mula sa likod ko.

"Wag na. Nakakahiya naman sayo. Nag aalok ka tapos na akong maghugas. Magbihis ka nalang," Sabi ko at pinunasan na ang kamay ko.

"Oh sige dito ka lang. Babalik muna ako ng hotel kasi nandun ang damit ko," Sabi niya.

"Eh may mga damit ka naman diyan sa guest room ah," Sabi ko naman.

"Kailangan kong bumalik para sabihin kena tito at tita na gusto mong gumala ngayon kasama sila," Nagtitimping sabi niya.

"Eto naman ang high blood. Oo na. Isama mo na din ang barkada ah," Sabi ko at pumasok na ng kwarto ko.

"Text nalang kita kung nasa baba na kami," Rinig kong sabi ni Luke mula sa labas ng kwarto ko.

"Sige gors," Sabi ko naman.

Inayos ko naman ang damit na susuotin ko at pagkatapos ay naligo na. Ilang minuto lang ay tapos na akong maligo. I just wore a loose white shirt, black leggings, matched with white shoes and a chanel sling bag. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Oh pak ganda ko! Maya maya ay tumunog ang phone ko. Nagtext na pala si Luke. Nasa baba na daw sila. Ang bilis ah. Mas excited pa sila kesa sakin? Charot. Dali dali akong bumaba ng lobby at lumabas na. Nakita ko naman silang lahat.

"Wow ah. Ang dami pala natin," Manghang sabi ko.

"Malamang buong angkan pinasama mo eh," Natatawang sabi ni Elisa.

"Gaga maka angkan ka naman as if namang magkadugo tayo," Sabi ko.

"Hoy at least family tayo noh kahit di tayo magkadugo," Depensa ni Elisa.

Natawa naman kaming lahat. Napagpasyahan naming puntahan ang Santa Monica Pier. Nakakamiss doon eh. Naghiwa-hiwalay naman kami. Kasama ko ang barkada, sina kuya, at Luke. Habang sina mommy at daddy naman ayun nagmomoment. Namiss ata nilang mamasyal na sila lang dalawa. 

"Sakay tayo ng roller coaster!" Masiglang sabi ni Rossleigh.

"Tara!" Sabi naming lahat maliban kay Elisa.

"Ayokong sumama. Kayo nalang," Nanginginig na sabi niya.

"Sis wag ka ngang KJ. Minsan lang tayo dito sulitin mo na," Natatawang sabi ni Jazzmine.

"Ayoko talaga," Pagmamatigas ni Elisa.

"Sige ka iiwan ka namin dito," Pigil-tawang sabi ko.

Napabuntong hininga naman siya at pilit na tumango.

"Yoooown. Lezzgo na!" Excited na sabi ni Marlon.

At ayun na nga, sumakay nga kami ng roller coaster. Tawang tawa kaming lahat kasi ang lakas ng sigaw ni Elisa kahit habang paakyat palang.

"Mamaaaaa!! Patawarin mo po akooooo!! Magpapakabait na po talaga akooooo!!!" Paiyak na sigaw ni Elisa.

Lalo kaming natawa sa inasta niya. Kawawang gaga. Pinagtripan eh.  


VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneWhere stories live. Discover now