Chapter Sixty (The Last Chapter of Book 2)

5 1 0
                                    

MAX'S POV

Today is the day! It's Elias's special day. According to his mom, ngayon din pala ang turn over ng company nila kay Elias. Double celebration pala ito. Sayang naman at masisira lang. Oh well, sinimulan niya ang gulo eh edi ako ang tatapos.

Naligo na ako at nagbihis. Kailangan maganda din ako para sa okasyon na ito. Syempre hindi tayo papakabog. As for the plan, all set na siya. We'll see kung ano ang mangyayari mamaya. Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na ako at nag-abang ng taxi sa labas ng condo. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Mommy ni Elias ang tumatawag kaya sinagot ko agad ito.

"Hello," Masiglang bungad ko.

"Hello dear. Let me inform you that we are on our way to the venue," Bakas sa tono ng mommy ni Elias na excited ito.

"Oh, I'm on my way too," Nakangiting sabi ko.

Binaba na niya ang tawag. Ako naman ay sumakay na ng taxi. Pagdating ko ng venue, naloka ako sa dami ng tao. I guess they are the staffs. Nahagip naman ng mga mata ko ang mommy ni Elias kaya nilapitan ko siya.

"Hello ma'am," Nakangiting bati ko.

"Just call me tita dear," Nakangiting tugon niya. Nagbeso naman kami.

Ipinakilala naman ako ni tita sa mga CEO na nandoon. Kaibigan pala sila ng daddy ni Elias. The more, the merrier. Nakita ko naman sina Wexford at Lucas. Kinawayan ko lang sila nung makita nila ako at kumaway din sila pabalik.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating na si Elias na kasama si Juancho. Marami ang sumalubong sa kanila at bumati kay Elias. Ako naman nagpaalam kay tita na pupunta muna ako ng banyo pero ang totoo kailangan kong asikasuhin ang plano. Pumunta ako sa silid kung nasaan ang main controller ng sound system.

"Good afternoon Mr. Trinidad," Bati sa akin nung in-charge sa sound system.

"Good afternoon. You know what to do, right?" Seryosong tanong ko.

"Yes sir. I will just wait for your signal," Sagot naman niya.

Napangisi naman ako. Finally, the end of Elias Jayme Tivurcio. Lumabas na ako at bumalik na. Nagsisimula na pala yung program. Nakita ko si tita na nasa stage nagbibigay ng message kay Elias. Nagkatinginan kami ni tita.

"Oh here he is! Ladies and gentlemen, I would like to take this opportunity to thank the person who organized this party. Let me call on stage, Max Alexandrae Trinidad!" Masiglang sabi ni tita.

Halatang nagulat si Elias. Ako naman nakangiting at taas-noong umakyat sa stage. Nagpalakpakan naman ang mga tao na nandoon. Nakita ko din ang gulat sa mukha ni Juancho.

"Thank you tita for appreciating my effort to give Elias the best birthday party," Nakangiting panimula ko. "But of course, I don't want to make this long. I want to give my surprise gift for Elias."

I raised my right hand and snapped my fingers at biglang dumilim ang paligid. Maya maya ay nagflash na sa malaking screen sa likod ko ang video nina Jameson at Elias.

"Oh my gosh. Is that Elias?"

"He's a gay?"

"What a shame."

Yan ang naririnig kong bulungan sa venue. Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Elias at ni tita. Bigla namang umakyat ng stage ang daddy ni Elias at sinuntok si Elias sa mukha.

"What is the meaning of this?!" Galit na tanong ng daddy ni Elias

"Dad," Umiiyak na sambit ni Elias.

"You're such a big disappointment!" Nanggigigil na sabi ng daddy niya.

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneWhere stories live. Discover now