Chapter Thirty-Six

28 0 0
                                    

MAX'S POV

Nandito kami ngayon ni Chester sa isang theater house sa Hollywood. Panonoorin daw namin yung pinsan niyang si Elias.

"Tara sa VIP seats tayo para mas malapit at mas malinaw," Sabi niya.

Tumango naman ako. Ilang minuto lang ay nagsimula na ang palabas. Musical pala ito.

"In fairness, ang galing kumanta ng pinsan mo," Komento ko.

"Syempre naman. Nasa lahi namin yan eh," Proud na sabi ni Chester.

"So magaling ka din kumanta?" Manghang tanong ko.

"Sakto lang," Nahihiyang sabi niya sabay kamot ng batok niya.

"Sus pahumble pa eh," Panunukso ko at natawa kaming dalawa.

Natapos ang palabas at napagpasyahan naming puntahan si Elias sa dressing room nito. Pagpasok namin, nakita namin si Elias na nakaharap sa salamin at umiinom ng tubig.

"Insan!" Tawag ni Chester.

Lumingon naman ito na may ngiti sa labi pero napawi lahat ng iyon nang makita ako.

"What the hell are you doing here?!" Mariing tanong niya sa'kin. Halata sa tono ng pananalita niya na ayaw niya akong makita.

"Ahh. Sinamahan ko lang si Max. Mag-isa lang kasi sa condo niya," Sagot naman ni Chester.

"Tss whatever," Tanging sabi ni Elias.

"Ahm. Chester, I think Elias is tired. Maybe we should visit him some other time," Bulong ko kay Chester.

Tumango naman siya. "Ah. Insan aalis muna kami ah," Paalam ni Chester. Ngunit di na kami kinibo ni Elias.

Lumabas na kami ni Chester ng Theater House. Pumunta nalang kami sa Highland Mall. Namili ako ng mga damit at mga toiletries ko. And some stuff para sa condo ko.

"Chester, gusto mo bang tulungan akong ayusin ang condo ko? Kung okay lang naman sa schedule mo," Nahihiyang sabi ko.

"Well, sa Saturday wala akong shoot pwede ako," Nakangiting sabi niya. "Tsaka may mga gamit din ako sa bahay na pwede nating gamitin. Kunin mo nalang bukas ng umaga. Sa hapon pa naman shoot ko bukas."

"Oh sige. Sunduin mo nalang ako sa condo ko bukas," Sabi ko naman.

"Sige ba. Chat mo nalang ako kung papasundo ka na bukas," Nakangiting sabi niya.

Pagkatapos naming mag shopping, hinatid na niya ako pabalik sa condo ko at nagpaalam na siya.

KINABUKASAN...

Inaayos ko na mga gamit ko dahil dadating na si Chester para sunduin ako. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Nagtext na si Chester. Nasa labas na pala siya ng building. Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas na. Pagbaba ko ay nakita ko siya sa may entrance. Nilapitan ko naman siya.

"Hey," Sabi ko at kinalabit siya sa likod niya.

Nilingon niya naman ako. "Oh Max. Tara na," Nakangiting sabi niya.

Sumakay na kami sa kotse niya. Tahimik lang kami sa buong biyahe papuntang bahay nila. Tanging tugtog lang ang nagpapa-ingay sa sasakyan. Nakarating kami sa isang luxury house dito sa Beverly Hills. Ang ganda ng bahay. Actually, mansion na 'to eh. Pinark na ni Chester ang kotse niya at sabay kaming bumaba.

"Ganda pala ng bahay niyo eh," Manghang sabi ko.

"Sa tito at tita ko yan," Nahihiyang sabi niya.

Dumaan kami sa may lanai na papuntang likuran ng bahay. May swimming pool din. Mayaman pala ang tito at tita ni Chester eh. Pumasok na kami sa mismong bahay. Namangha ulit ako. Engrande ang bahay. Well, di naman nagkakalayo ang bahay na ito sa bahay namin sa Pilipinas pero hindi ko maiwasan ngayon ang mamangha. Matagal na din kasi akong hindi nakakauwi sa Pilipinas.

"Umupo ka muna diyan sa couch. Kukunin ko lang yung mga gamit sa itaas," Sabi naman niya at umakyat na.

Umupo naman ako. Nilibot ko muna ang paningin ko. Namiss ko tuloy bahay namin sa Pilipinas. Namiss ko na din ang kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang may nagsalita sa likuran ko.

Agad akong napatayo at nilingon ito. Si Elias pala.

"Ahh Elias, kasama ko si Chester," Sagot ko naman.

"Tss. Sinabihan ko na siya na wag nang sasama sa'yo. Wala kang magandang maidudulot sa pinsan ko!" Mariing sabi niya.

Nagulat ako sa inasta niya. "Teka, akala ko ba okay lang sa'yo na maging magkaibigan kami ni Chester," Naguguluhang sabi ko.

"Don't come near my cousin again. I have heard news about you and what happened to you five years ago. Do you know what could happen to your life once the CEO has found what happened to you. And may I remind you I can end your career right here, right now. So don't come near Chester again," Nagbabantang sabi niya.

"Teka, pano mo nalaman? Sino ang nagsabi sa'yo tungkol sa nangyari sa'kin five years ago?" Naguguluhang tanong ko.

"How did I found out? I knew something was off from the first time I saw you. And I made my team look up your history and guess what I found out, kami palang mga Tivurcio ang nag-iisang pinaka malakas na stockholder sa mga kompanya ng mga Silverio. Mukhang mapapadali ang pagpapabagsak ko sa'yo kung hindi mo pa din lulubayan si Chester," Nakangising sabi ni Elias.

Bigla akong nakaramdam ng galit at bigla ko siyang nasampal ng ubod ng lakas. "Don't you dare touch our company! Pinaghirapan lahat ng iyon ng lolo at lola ko!!" Sigaw ko sa kanya habang tumutulo na ang mga luha ko.

"Well, do what I say. Layuan mo si Chester and everything will be okay," Sabi niya at umalis na.

Naiwan naman akong umiiyak. We can't lose our company. Dugo at pawis ang inilaan ng lolo at lola ko.

"Max?" Rinig kong tawag sa'kin ni Chester mula sa likuran ko.

Agad ko namang pinunasan ang luha ko at humarap sa kanya. "Oh Chester," Sabi ko at sinubukang ngumiti.

"Umiyak ka? Sino nagpa-iyak sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ahh. Wala. Nanood kasi ako ng drama sa phone ko. Nakakaiyak kasi yung isang scene doon," Pagsisinungaling ko.

Napakibit balikat nalang siya. "Tara na," Sabi naman niya.

Tumango nalang ako at umalis na kami pabalik sa condo ko. Hayy. What a scene to ruin my day. But I need to decide now, what should I do?

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN199
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneWhere stories live. Discover now