Chapter Forty-Eight

8 1 0
                                    

MAX'S POV

Nang makalabas ako ng condo agad akong sumakay ng taxi papuntang ospital. Nang makarating ako ng ospital, dali dali akong pumunta sa room ni Chester. Pagpasok ko, tinutulungan ni Elias si Chester na kumain.

"Hi babe," Nakangiting sabi ko at umupo malapit sa kama ni Chester.

Tipid na ngumiti si Chester at patuloy lang sa pagkain.

"The doctor said that he will be discharged soon. He just have to rest for full recovery," Sabi nung mommy ni Elias.

Napatango naman ako at tiningnan lang si Chester na katatapos lang kumain. Ningitian ko siya pero parang may kakaibang nangyayari. Hindi man lang niya ako pinansin. Lumapit na ako sa kanya.

"Babe, kamusta na ang pakiramdam mo?" Malambing na tanong ko.

"Bakit tinatawag mo akong babe?" Parang nalilitong tanong niya.

Nagulat ako sa naging reaksyon niya at tumingin kay Elias.

"What?" Supladong sabi ni Elias.

Umiling nalang ako at tinuon ulit ang pansin kay Chester.

"Okay na ba? May masakit pa ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko kay Chester.

"Okay lang ako. Salamat sa concern," Diretsong sagot ni Chester.

Napatango nalang ako. Maya maya ay may pumasok na doctor.

"The patient is ready for discharge. Just make sure that he will not stress himself and don't force him to do something that is beyond his limits," Sabi nung doctor.

"Thanks doc," Sabi nung mommy ni Elias. Tumango naman ang doctor at lumabas na ito.

"I think I should be going now. I've got a lot of things to do," Pagpapaalam ko.

Nakangiting tumango ang mommy ni Elias at lumabas na ako. Something's wrong with Chester. Bakit kaya nagkaganun siya? Baka may kinalaman na naman si Elias dito.


ELIAS'S POV

"Okay ka na ba Chester?" Tanong ko kay Chester na kasalukuyang nakatingin lang sa kisame na para bang may iniisip.

"Huh? Oo okay lang ako," Sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko. Parang may mali sa kanya.

"Sino nga pala yung bumisita kanina?" Nagtatakang tanong niya.

Medyo nagulat naman ako sa tanong niya. Hindi niya kilala si Max? Well, I think this is it. Time to erase him in our lives.

"Di ko nga din kilala yun eh," Kibit balikat na sagot ko.

May hindi sinasabi sina mommy sa'kin. Why is Chester acting like that? Nilapitan ko si mommy.

"Mom do you have any idea what is happening to Chester?" Bulong na tanong ko kay mommy.

Natigilan naman si mommy at napatingin sa'kin. At simpleng nilingon muna si Chester. Tumayo siya at hinila ako papalabas ng silid.

"Chester suffered from amnesia. And I think he is starting to remember things," Sagot ni mommy at napaupo sa bench ng hallway.

Medyo nagulat naman ako sa nalaman ko. All this time may amnesia si Chester? Wait, how?

"How?" Tanging nasabi ko.

"Well the story goes like this. His real name is Wexford. He got into a car accident three years ago, he was in a coma for six months. When he woke up, he can't remember anything. The doctors said that it would take a very long time to regain his memories back," Kwento ni mommy.

"But why would his parents change his name?" Nagtatakang tanong ko.

"According to your aunt Lucy, Chester had a boyfriend that they don't want for Chester. They decided to ran away. But unfortunately, their car crashed. When his parents knew what happened, they decided to change his name and send him here with us to have a new life," Paliwanag ni mommy.

"If Chester had an amnesia, how come that he knows us?" Tanong ko ulit kay mommy.

"Well, he already know us since before the accident. Don't you remember that we used to visit him at the Philippines during summer vacation?" Sagot naman ni mommy.

"But he has amnesia meaning he can't remember anything," Naguguluhang sabi ko.

"He only have selective amnesia, which means he only lost some of his memories," Pagpapaliwanag ni mommy.

Napatango naman ako bilang sagot. Pero teka, siguro ang tinutukoy na naging boyfriend ni Chester ay yung sinasabi ni Charlotte na naririnig daw niya kay Chester. Si Lucas ba yun?

Bumalik na kami ng room ni Chester sakto namang inaayos na ni daddy ang mga gamit ni Chester.

"The doctor said that we are good to go. He is discharged now," Sabi ni daddy.

Tumango naman kami ni mommy. Inalalayan ko naman si Chester.

"Kaya mo bang tumayo?" Tanong ko kay Chester.

Tumango naman siya at tumayo na. Pagkalabas namin ng ospital, agad kaming sumakay ng kotse at umuwi na.


SOMEONE'S POV

I'm currently here at my hotel room fixing my things. Maya maya ay may kumatok sa pinto. Lumapit naman ako sa pinto at binuksan ito.

"Hello sir. Here is your dinner," Sabi nung hotel staff at pinasok ang tray na may mga pagkain. Pagkatapos niyang ilapag, nagpasalamat na ako at lumabas na siya.

Saan ko kaya mahahanap si Wexford? Sana naman makita ko agad siya. Ang tagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito eh. Mula nung aksidente, hindi ko ulit siya nakita.


MAX'S POV

Kanina pa ako palakad lakad dito sa kwarto ko. Hindi ko kasi maiwasan ang mapaisip kung ano ang nangyari kay Chester eh. Di ko alam kung bakit parang hindi niya ako makilala. Tinawagan ko muna si Luke para samahan ako dito sa condo. Kailangan ko ng kausap eh.

Mga ilang oras ang lumipas ay bumukas ang pinto at pumasok si Luke.

"Ano bang nangyari at pinapunta mo ako dito?" Nagtatakang tanong niya.

"Mahabang kwento," Walang ganang sagot ko at umupo sa sofa.

Napa poker face naman siya. "Ganun? Pagkatapos mo akong tawagan at pinabili mo pa ako ng McDo fries hindi ka magkwekwento sa'kin?" Seryosong sabi niya.

"Eh di ko kasi alam kung paano sasabihin eh," Kamot ulong sabi ko.

"Umayos ka nga. Pinag biyahe mo ako mula New York hanggang dito na alam mong ang layo layo tapos gaganyanin mo ako? Sabihin mo na kasi kung ayaw mong umuwi ako. Ang mahal pa naman ng plane ticket," Halatang napipikon na sabi niya.

"Maka mahal naman 'to akala mo naman hindi talaga afford ang plane ticket," Biro ko.

"Sabihin mo na," Seryosong sabi niya sa akin at binigyan ako ng matalim na tingin.

Huminga muna ako ng malalim at ikwenento na sa kanya ang mga nangyari.

"Alam mo, huwag mo muna siyang puntahan baka lalong gumulo isip niya pag nagkita ulit kayo. Hayaan mo munang magpahinga siya," Sabi naman ni Luke at kumain ng fries.

"Siguro nga. Hayst bahala na nga. Nagutom ako. Salamat dito sa fries ah," Sabi ko at sabay ngumiti.

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis at matulog. Si Luke naman nasa sala at nanonood ng tv. Bahala siya dun. Charot.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneOnde histórias criam vida. Descubra agora