Chapter Forty-Two

12 1 0
                                    

MAX'S POV

Maaga akong nagising. Nakaramdam ako ng kaunting excitement na para bang may mangyayaring masaya ngayong araw na ito. Inaayos ko muna ang mga gamit ko at naligo na. Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis at umalis na ng unit ko. Naghihintay ako ng taxi nang may tumawag sa phone ko. Si mommy pala.

"Hello anak?"

"Yes mom?"

"Naabala ba kita?" Tanong niya.

"Hindi naman mom. Papunta palang ako sa work eh," Sagot ko naman.

"Pwedeng umabsent ka muna ngayon?"

"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko.

"Your tito Douglas wants to see you. Mukhang may importanteng sasabihin," Mahinahong sagot ni mommy.

Ilang segundo akong natahimik at napaisip. Well, mukhang okay lang naman siguro kung absent muna ako ngayon. Isang araw lang naman eh. Magpapaalam nalang ako sa secretary ni Mr. CEO.

"Okay mom," Sabi ko nalang.

"Sige. Message me your location right now para sunduin ka ni Alejandro," Sabi ni mommy.

"Ahh nandito pa naman ako sa labas ng condo," Sabi ko naman.

"Okay. Diyan ka lang. I'll just call Alejandro."

Pagkatapos nun ay pumasok ulit ako sa building ng condo at pumunta sa lobby. Umupo ako sa sofa na malapit sa pintuan para makalabas ako agad pag dumating na si Alejandro.

Anyway, to those who doesn't know yet, Alejandro Elliot Silverio Hechanova is the only son of Douglas Hechanova and Shaynna Ellaine Hechanova, he is the only heir of the Hechanova Royalties. Obviously, he is my first cousin. My mom and his mom are sisters. Bata pa lang kami nun nang lumipat sila dito sa Amerika para itayo ang main branch ng company nila. Although they have different branches sa Pinas, they chose to put up their main branch here sa Amerika since mas maganda ang takbo ng ekonomiya dito. Pero unlike Lyndon, hindi kami masyadong close ni Alejandro. Mas close kami ni Lyndon kasi we are into music. Mas close si Alejandro kay kuya Ethan since they are into fashion. Si kuya Tope lang ang walang ka-close sa pinsan namin. He really loves being alone. Hindi naman siya loner. Hindi lang talaga siya marunong makipag socialize plus seryoso siya sa lahat ng bagay. You know, like what every other eldest sons do. Mature mag isip kasi si kuya Tope kahit na nung bata pa kami. Pero maraming kaibigan yun. But his friends are just like him. Mga seryoso sa buhay. Once lang ata sila nag sasama sama eh, like kung may nagbibirthday yung isa sa kanila. Kaya ayun no wonder napaka strict ni kuya Tope sa'kin. Nakakapikon nga minsan eh pero I just tell myself na he is just being a good big brother to me at gusto niya akong protektahan.

"Alex?"

Nagulat naman ako nang may tumawag sa'kin. Nilingon ko naman ito. Si Alejandro pala.

"Oh. Nandito ka na pala," Gulat na sabi ko.

"Sorry nagulat ba kita? Pumasok nalang ako dito sa lobby since nakita kita from outside," Nahihiyang sabi niya.

"Naku okay lang. Tara na," Nakangiting sabi ko.

Tumango naman siya at lumabas na kami. Sumakay na kami sa kotse niya at pumunta na sa main office ng company nila.

"Kamusta ka na?" Tanong niya. Okay this is a bit awkward. Hindi nga kami masyadong close diba?

"Eto. Okay naman. Still breathing," Sabi ko sabay tawa.

Natawa din naman siya. "You are still funny. Sina kuya Ethan at kuya Tope?"

"Well, they are doing good too. Si kuya Tope is currently taking over our dance studio while kuya Ethan is currently taking over our clothing line," Nakangiting sagot ko.

"It's good to know na kuya Ethan is taking over our grandmother's clothing line," Nakangiting sabi niya.

Maya maya ay huminto na kami sa tapat ng isang mataas na building. Sa tuktok ng building ay may nakalagay na Hechanova Royalties.

"We're here. Let's go," Sabi niya at bumaba na ng kotse.

Bumaba na din ako at sumunod sa kanya. Nagtaka naman ako kung bakit hindi sa main entrance kami pumasok. Pumunta kasi kami sa may likod ng building at may elevator dun.

"This is the secret entrance papuntang office ni dad. No one knows about this maging ang mga empleyado ay hindi alam ang tungkol dito. Ang nakakaalam lang nito ay kami lang nina mom at dad at syempre yung mga gumawa ng elevator na ito. But the workers are already gone for a long time," Pagpapaliwanag niya.

Tumango tango naman ako sa sobrang pagkamangha. Pumasok na kami sa elevator. Maging ang pindutan ng elevator dalawa lang ang options. Either the Ground floor and the 38th floor which is probably the last floor of this building at ang opisina ni tito Douglas.

"You look impressed," Natatawang sabi ni Alejandro.

"Well, ngayon lang naman ako nakakita ng ganyan," Sabi ko at tumawa.

Alejandro pressed the 38th floor. Ilang minuto kaming nasa loob ng elevator. Aaminin kong medyo nahihilo ako. Hindi naman kasi ako masyadong sanay. Kahit na may elevator sa condo, and doesn't take me a minute sa loob ng elevator.

Finally, nakarating na din kami sa 38th floor. And from here, natatanaw ko ang isang pinto just across the hall. Nagsimula na kaming maglakad at nang makarating kami sa pinto, pinagbuksan ako ni Alejandro.

"Alex my dear!" Bungad ni tita Shaynna.

Medyo nabigla naman ako dun pero agad akong umayos. "Hello po tita Shaynna," Nakangiting sabi ko.

"Mabuti naman at napakiusapan ka ng mommy mo," Nakangiting sabi ni tita.

"Ahh okay lang naman po. Tsaka I think importante ang pakay ni tito Douglas," Nahihiyang sabi ko.

"Oh yes. Sige pumasok ka lang diyan sa pinto na yan. Naghihintay na si tito Douglas mo," Sabi naman tita at itinuro ang isang pintuan.

Lumapit naman ako sa pinto at dahan dahang binuksan ito. Bumungad naman si tito Douglas na nagbabasa ng diyaryo.

"Sit down," Sabi niya habang nasa diyaryo pa din ang tingin niya.

Tahimik akong umupo. Tiniklop niya naman ang diyaryong binabasa niya at seryosong tumingin sa'kin.

"Your mom told me that you are currently working in TMZ," Panimula niya. Tumango naman ako. "She wants me to ask you if you are willing to work here in our company."

"What?!" Gulat na sabi ko. This is crazy. Akala ko ba gusto ni mom na mag take over ako sa clothing line? Ano na naman 'to. Nakakaloka.

"You heard me right. But it's still your decision. You can talk to your mom about this. Looks like you don't have any idea of what is going on. You may ask her first and talk about this," Sabi naman tito.

"Okay tito. Thank you for giving me time to think about it first," Nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman si tito at saka ako pinalabas ng opisina niya.

Myghad! Ano na naman ba ang pumasok sa isip ni mommy? Ang gulo niya. As in! At first, she wants me to take over the clothing line pero ano na naman 'to? Nakakaloka na talaga.


VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneWhere stories live. Discover now