Chapter Thirty-Three

19 1 0
                                    

MAX'S POV

Ngayon na ang alis ko papuntang Los Angeles. Kasama ko ngayon si Luke dahil nga siya ang maghahatid sa akin doon. Anyway, the name of the tour company is TMZ Hollywood Tour. And speaking of Hollywood, meaning makikita ko ulit si Chester? Well, what a coincidence naman.

"Bakit ang tahimik mo diyan?" Tanong ni Luke sa'kin pero naka pokus siya sa pagmamaneho.

"Wala. May iniisip lang," Sagot ko naman.

"Huwag kabahan. Normal lang yan," Sabi naman niya.

Kunot-noong tiningnan ko siya. "Sino naman ang nagsabing kinakabahan ako?" Tanong ko.

"Hindi ba?" Tanong niya pabalik.

"Hindi. May iniisip lang ako. Syempre mag-isa nalang ako doon sa Los Angeles," Sabi ko at bumaling sa bintana para tingnan ang labas.

"Alex naman. Bibisita naman ako doon. Kung gusto mo isama ko si mommy para ipagluto ka din niya," Sabi niya at hinawakan ang balikat ko.

"Maganda yan," Sabi ko nalang at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.

"Bakit mo tinanggal? Galit ka ba?" Nagtatakang tanong niya.

"Sira. Mabigat yang kamay mo," Natatawang sagot ko. Napanguso naman siya. "Eww ang pangit."

Inirapan niya lang ako. Bakla ba 'to? Charot. Sayang kagwapuhan nito kung magiging bakla lang.

WYNCHESTER'S POV

Pabalik na kami ni Elias sa Los Angeles. Tapos na din kasi yung two weeks break ko. Si Elias ang nagmamaneho.

"Insan, umamin ka nga sa'kin. May gusto ka ba sa Max na yun?" Tanong ni Elias.

"I find him cute and simple," Sagot ko naman.

"Bro, hindi mo sinagot yung tanong ko," Sabi niya at tumingin sa'kin.

"Well, kinda," Sabi ko nalang.

"Anong kinda? Oo o hindi lang naman ang pwede mong isagot," Medyo naiiritang sabi niya.

"Hindi ko pa masasagot yan ngayon. Basta gusto kong kasama ko siya lagi," Kalmadong sabi ko.

"Sinasabi ko sa'yo. Layuan mo yun. Hindi maganda ang maidudulot yun sa'yo," Nagbabantang sabi niya.

Napakunot naman ang noo ko. "Anong pinagsasasabi mo?" Nagtatakang tanong ko.

Bigla siyang tumahimik. Kaya hindi ko nalang siya pinansin. Pero hindi ko pa din maiwasang magtaka sa sinabi niya. May alam ba siya?

ELIAS'S POV

Marami akong nalaman tungkol sa Max Alexandrae Trinidad na iyon. Base sa source na nabasa ko, kaya siya pinapunta dito sa Amerika dahil nanganganib niya ang buhay niya sa Pilipinas. Naku pag nagkataon, baka madamay pa ang pinsan ko sa gulo ng buhay niya. Hangga't maaari hindi na dapat sila magkita pa kahit kailan.

MAX'S POV

KINABUKASAN...

Nandito na kami sa Los Angeles. Grabe sobrang haba ng byahe inabot talaga kami ng isang araw, sabagay magkabilang dulo din kasi ang New York at Los Angeles eh kaya ang layo pag kotse lang ang gamit. Anyway, dumiretso muna kami sa company na kung saan ako magtatrabaho. Pinaghintay ko nalang si Luke sa labas at ako na ang pumasok sa loob ng kompanya. Lumapit naman ako sa front desk officer.

"Ahm. Miss, can I talk with the CEO?" Tanong ko sa kanya.

"Good afternoon sir. Have you set an appointment with the CEO?" Sabi niya.

"Ahm. Sorry I haven't. But please tell him that I was the one who got the offer from this company as a tourguide. I'm from Harvard University," Pagpapaliwanag ko naman.

Tumango naman siya at tinawagan ang secretary ng CEO. Pagkatapos niyang tawagan ay binalingan niya naman ako.

"The CEO's secretary said that Mr. CEO still have meetings. You can come back tomorrow," Sabi niya naman.

"Oh. Okay. Thank you," Nakangiting sabi ko.

Akmang aalis na ako nang magsalita siya ulit.

"Sir, can I get your name and contact number? So we could easily contact you if Mr. CEO is available," Sabi niya.

"Sure," Sabi ko at binigay ang calling card.

Lumabas na ako at nakita ko si Luke na nakasandal sa kotse niya habang kumakain ng hamburger. Nilapitan ko naman siya.

"Kumakain ka na naman," Puna ko.

"Nagutom ako sa pagmamaneho eh," Sabi niya naman at uminom ng tubig.

Binigyan niya din naman ako ng isang piraso ng hamburger at isang boteng tubig. Tumabi naman ako sa kanya at sumandal sa kotse.

"So kamusta?" Tanong niya.

Inubos ko naman yung hamburger bago sumagot. "Well, babalik nalang daw ako bukas kasi may meeting pa daw yung CEO," Sagot ko naman at uminom na ng tubig.

"I see. Tara. Dun na tayo sa lilipatan mong condo," Sabi niya naman at sumakay na ng kotse.

Sumakay na din ako. Anyway, may condo na ako dito sa Los Angeles. Ako na bumili days before I left New York through online. Naglipat sina mommy at daddy ng pera sa ATM card ko kaya hindi na ako nahirapang magbayad.

"We're here," Sabi ni Luke at hininto ang kotse sa parking lot.

Bumaba naman kami. Lumapit naman ako sa receptionist.

"Good afternoon, I would like to get the key for my unit Room 107B. I bought that unit days ago," Pormal na sabi ko.

"Okay sir. Just let me check your I.D. and the proof of purchase," Magalang na sabi niya.

Binigay ko naman ang I.D. ko at yung proof of purchase. Ilang minuto ang nakalipas ay nagbayad na din ako ng full. Binigay niya din naman ang susi at binalik ang I.D. ko.

"Tara na Luke," Sabi ko kay Luke.

Binuhat naman niya ang maleta ko at umakyat na sa unit ko. Pagdating namin doon, nagpahinga muna kami. Nakakapagod ang araw na ito.

"Luke, dito ka na matulog. Bukas ka na bumalik ng New York," Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at humiga sa sofa para matulog. Napagod nga ang mokong na ito sa pagmamaneho. Inayos ko naman ang mga gamit ko. Kumuha ako ng damit at tuwalya at naligo muna init eh.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneWhere stories live. Discover now