Chapter Forty-Four

15 1 0
                                    

MAX'S POV

"Will you let me be your boyfriend?"

Para akong nabingi nung marinig ko ang tanong niyang iyon. Nakakabigla naman kasi itong proposal niya eh. Masyadong unexpected.

"Max?" Rinig kong tawag niya sa'kin.

Hindi ako makalingon sa kanya. Dahil unang-una, naiilang ako.

"Sorry nabigla ata kita," Nahihiyang sabi niya.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nagtama ang mga paningin namin.

"Ah Chester," Naiilang na sabi ko. "Ano kasi. Parang ang bilis naman. I think two or three weeks palang nung mula ng magkakilala tayo. And ilang araw din tayong hindi nagkita at nagkasama. Nakakagulat lang yung sinabi mong you fell for me."

Nakita kong natigilan siya at napayuko. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"I'm sorry. But to tell you the truth, I do really fell in love with you. Kahit na pinalalayo ka ni Elias sa'kin, kahit alam kong maraming kokontra, wala akong magagawa kasi yun ang nararamdaman ko," Nakayukong sabi niya. "I love you since we first met."

Muli akong natigilan sa sinabi niya. This guy really knows how to make go speechless.

"Do you really love me?" Seryosong tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa akin. At kita ko ang pagtango niya.

"Well, prove it to me," Sabi ko. "Ayoko kasi nitong biglaang proposal eh. Gusto kong maramdaman ko muna yung pagmamahal mo sa'kin. And show me that you are really worthy to be my boyfriend."

Natahimik siya at umastang parang nag-iisip.

"Deal," Sabi niya at ngumiti ng matamis.

"Here's the only thing that you should remember. Pag dumating yung time na ako ang kusang nag-'I love you' sa'yo, ibig sabihin sinasagot na kita," Nakangiting sabi ko.

Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng kotse niya. Pinanood ko muna siya na umalis saka ako umakyat sa unit ko.


WYNCHESTER'S POV

Nakauwi ako sa bahay ng may malaking ngiti sa aking mga labi. Hindi na ako naghapunan at dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos kong maligo, agad akong nagbihis at dumapa sa kama ko sabay bukas ng laptop ko. Nag log-in ako sa facebook at binisita ang timeline ni Max. Nakakatawa lang kasi hindi siya mahilig mag post. Huling post niya ay nung nag thank you siya sa mga bumati sa kanya nung naka-graduate siya.

"Chester," Rinig kong tawag sa'kin Elias mula sa labas ng kwarto ko.

"Pasok," Sigaw ko.

Pumasok naman siya na seryoso ang mukha. Umupo siya sa sofa na malapit sa kama ko. Hindi ko na siya nilingon at nanatiling sa laptop ang tingin ko.

"Balita ko, nakasama mo yung Max na yun ngayon," Seryosong sabi niya pero hindi ko pa din siya pinansin. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na layuan mo siya? Ang tigas ng ulo mo."

Sinara ko naman ang laptop at binalingan siya.

"Sige nga bigyan mo ako ng isang magandang dahilan kung bakit ko siya iiwasan," Mahinahong sabi ko at nakipagtitigan sa kanya.

"Kasi nga hindi maganda ang maidudulot niya sa'yo," Mariing tugon niya.

"Paano?" Kunwari takang tanong ko. Bahagya siyang natigilan. "Kung nag-aalala ka na baka madamay ako sa gulo ng buhay niya, huwag mo nang isipin 'yun. Buhay at desisyon ko 'to. Alam ko na ang lahat ng nangyari sa kanya kahit yung nangyari sa kanya five years ago. At handa akong damayan siya sa pinagdadaanan niya."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Chester," Matalim na titig ang binigay niya sa'kin.

"Pwede ba, maging masaya ka nalang para sa'kin," Nangungusap na sabi ko.

"Ano bang meron sa Max na yan at hindi mo maiwasan?!" Inis na tanong niya.

"Dahil mahal ko siya at wala ka nang magagawa kahit ano pang sabihin mo!" Sigaw ko at natigilan naman siya. "Kung ayaw mo kay Max, hindi kita pipilitin na gustuhin siya. Pero huwag mo akong didiktahan."

"May boyfriend na yun," Sabi naman niya at napangisi ako.

"Alam kong nagpapanggap lang sila ni Jameson," Nakangising sabi ko. Kita ko naman ang paglaki ng mata niya sa gulat.

"Ah basta. Huwag ka nang magpapakita dun kung hindi, ako mismo ang gagawa ng paraan!" Sigaw niya at lumabas na ng kwarto ko.

Nanatili akong nakatingin sa pinto ng kwarto ko. Ewan ko ba. Parang bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Bakit ba ganun siya? Nasobrahan naman ata ang pagiging bitter niya.


MAX'S POV

Nag log in ako sa facebook ko. Nagulat ako sa dami ng notifications. 98 notifications? Perstaym 'to ah. Tiningnan ko ang notification at nakita kong puro kay Chester lahat. Halos lahat ng photos at posts ko ni-love react niya. Hindi naman halatang in love ang isang 'to. Maya maya ay nagmessage siya.

Wynchester Adonis Montegracia: Hi! Hindi ka pa matutulog?

Max Alexandrae Trinidad: Hindi pa naman ako inaantok eh.

Wynchester Adonis Montegracia: Gusto mong patulugin kita?

What the? Ano naman kaya ang nakain nito?

Max Alexandrae Trinidad: Paano naman?

Syempre pa-inosente tayo mga sis.

Wynchester Adonis Montegracia: Kantahan kita.

Max Alexandrae Trinidad: Jusko. Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan. Hahaha.

Wynchester Adonis Montegracia: Sige na ngayon lang.

Max Alexandrae Trinidad: Okay sige.

Pagkatapos kong isend yun, umabot ata ng ilang minuto bago magreply siya sa'kin.

*Wynchester Adonis Montegracia sent a voice message.*

Pinindot ko naman ito at pinakinggan. Kinakanta niya yung If You're Not the One ni Daniel Bedingfield. In fairness ang ganda ng boses niya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Wynchester Adonis Montegracia: Okay ba?

Max Alexandrae Trinidad: Okay lang. Hehe.

Wynchester Adonis Montegracia: Oh sige. Matulog ka na ah. Good night.

Max Alexandrae Trinidad: Good night.

Pagkatapos nun, sinara ko na ang laptop ko at inilagay yun sa side table ng kama ko. Pinatay ko na yung lampshade at natulog na.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneWhere stories live. Discover now