Chapter Fifty-One

16 1 0
                                    

MAX'S POV

Nandito na ako sa opisina ni Tito Douglas. Hinihintay ko lang siya dahil may meeting pa daw ito sabi ng secretary niya. Ilang minuto pa ang hinintay ko at bumalik na si tito sa opisina niya.

"Oh Alex you're here already," Medyo gulat na sabi ni tito Douglas nang makita ako.

"Yeah. I came here as soon as you called me since I don't have anything to do today," Nakangiting sabi ko.

"Okay. Come and sit," Sabi ni tito at sabay kaming naupo sa sofa ng opisina niya.

" What are we going to talk about?," Medyo kinakabahang tanong ko.

"Yes. I heard that you are going back to the Philippines. Why is it?" Sabi ni tito.

Hindi agad ako nakasagot. Kinalma ko muna ang sarii ko. "Well, I think it's time for me to take over grandma's company. Since I got fired from being a tourguide," Paliwanag ko.

"That's another question to be asked. Why were you fired?" Tanong ulit ni tito.

"Well, something happened. I hope you understand that I will keep it confidential for now," Diretsong sagot ko.

Napatango naman si tito. "It's okay. I understand," Nakangiting sabi ni tito. "Have a safe trip back to the Philippines."

Ngumiti naman ako at tumayo na. "I think I should go now," Pagpapaalam ko.

"Oh let Alejandro drive you back to your condo," Sabi ni tito.

"Sure," Pagpayag ko. Alam ko kasing pipilitin ako ni tito pag tumanggi pa ako.

Lumabas na kami ng opisina niya at pumunta sa opisina ni Alejandro. Kumatok muna si tito bago buksan ang pintuan. Naabutan naming tutok si Alejandro sa laptop niya.

"Alejandro," Pagtawag ni tito.

Agad namang napatingin si Alejandro sa gawi namin. "Yes dad?" Gulat na sabi niya.

"Drive Alex back to his condo," Sabi ni tito.

"Okay dad," Sabi naman ni Alejandro at tumayo na.

Sabay kaming lumabas ng opisina ni Alejandro. Kami ni Alejandro ay dumiretso sa elevator para bumaba habang si tito Douglas naman ay bumalik na sa opisina niya. Pagkadating namin sa parking lot, agad kaming sumakay sa kotse ni Alejandro at umalis na. Tahimik lang ang biyahe.

"Balita ko uuwi ka na ng Pinas," Pagbasag ni Alejandro sa katahimikan.

"Ah oo. Ako na ang magte-take over ng clothing line ni lola," Sabi ko at pilit na ngumiti.

"Ikamusta mo ako sa mga kuya mo ah," Nakangiting sabi ni Alejandro.

"Sure," Tugon ko.


ELIAS'S POV

"Elias!" Dinig kong pagtawag sa'kin ni Chester.

Agad naman akong pumunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko siyang nasa harap ng salamin at nakaayos. "Oh saan ka naman pupunta?" Takang tanong ko.

"Nababagot ako dito sa bahay eh. Ilang araw na akong hindi nakakalabas," Sagot niya at inayos ang buhok niya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko ulit.

"Oo naman. Gusto ko na talagang lumabas eh," Sagot naman niya.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng sarili niya ay humarap na siya sa akin. Mukhang maayos na nga siya.

"Samahan mo ako," Sabi niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko.

"Kahit saan lang basta makagala lang," Sagot niya. "Kaya magpalit ka na ng damit. Hintayin kita sa sala."

Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa kwarto ko at magpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit ay pumunta na ako sa sala. Naabutan ko naman si Chester na nanonood ng TV. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa likod.

"Tara na," Sabi ko.

Wala siyang imik na tumayo at naunang lumabas. Ano naman kaya ang nangyari dun? Nagkibit-balikat nalang ako at sumunod sa kanya.

Sumakay na kami ng kotse niya at walang imik na pinaandar yun. Tahimik lang siya buong biyahe parang may iniisip.

"Chester, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Huh? Ah oo. Okay lang ako," Parang nagulat niyang sagot.

Napakunot naman ang noo ko at hindi ako kumbinsido sa sagot niya.

"Ano ba ang iniisip mo at parang ang lalim naman ata?" Seryosong tanong ko.

"Wala 'to hehe," Tensyonadong sagot niya.

Hindi man kumbinsido sa sagot niya pinili kong manahimik nalang baka ano pa ang mangyari eh. Basta ang weird niya ngayon. Bahala nga siya sa buhay niya.


MAX'S POV

"Thanks Alejandro," Sabi ko kay Alejandro nang makababa ako ng kotse niya.

"Anytime Alex," Nakangiting tugon niya at pinaandar na ang kotse.

Papasok na sana ako sa entrance ng condo nang mahagip ng mata ko ang kotse ni Chester na darating. Lalapitan ko na sana nang makita ko si Elias ang kasama niya. Saan naman sila pupunta? Nilagpasan nila ako na parang hindi ako napansin. Nagkibit-balikat nalang ako at pumasok na ng condo. Ichachat ko nalang siguro siya mamaya. Nang makarating ako sa labas ng unit ko, may narinig ako na mga yabag mula sa loob. Nakaramdam naman ako ng matinding takot. Siguro naman hindi ako sinundan ni Maxthur dito sa Amerika. Nilakasan ko na ang loob ko na buksan ang pinto. Pinikit ko ang mga mata ko habang dahan-dahang binubuksan ang pinto ng unit ko. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto...

"HAPPY BIRTHDAY ALEX!!"


VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: trinidad_ma99
Twitter: MLLNTZN99
Youtube: Mlenzii Vlogz

[COMPLETED] LOVE WINS Book 2: If You're Not the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon