Sa simula pa lang ay hindi na hinangad ni Aveline na makilala ang taong kaniyang mamahalin. Isa siyang mababang uri sa lipunan, kinukutya at pinandidirihan. Sino ba naman ang magmamahal sa isang babaeng bayaran? Kung sinu-sino ang nagpaparaos sa kaniyang katawan. Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang kaniyang buhay nang makilala si Margo Sinclair, isang natatanging babae na tinitingala ng mundo, makapangyarihan at may nakatagong misteryo sa kaniyang pagkatao. Magagawa niya kayang magmahal ng isang katulad ni Aveline?