CRUSH KO LANG NOON, ASAWA KO NA NGAYON.

68 7 2
                                    


"Kyaaahhh! ang gwapo n'yaaa!" Tili ko habang mahigpit na pinipisil ang unan na kanina ko pa hawak.

"Hoy! ano nanaman drama mo jan?" Tanong ni Dreya nang marinig ang tili ko.

"Beh, nakaka kilig 'yung bidaaa!" Impit na tili ko habang pinipisil-pisil parin ang unan. "Nag katuluyan sila nung babae" Dugtong ko pa dahilan ng pag ikot ng mata n'ya.

"Susmiyo Ivy, sa palabas lang nangyayari 'yan no! Wag ka ng umasa na mangyayari 'yan in real life. " Mapait n'yang sabi kaya napanguso naman ako.

"Malay mo naman diba? wala namang imposible pag dating sa pag-ibig! Sadyang bitter kalang talaga" Asik ko na inilingan n'ya. Napaka bitter talaga ng babaeng 'to, hayst!

"Bahala ka, hindi naman ako 'yung masasaktan sa huli." Mapanuya n'yang sabi kaya napaikot ako ng mata at ngumisi.

"Nasa'kin ang hiling palakpak." Sagot ko at tumawa ng parang demonyo habang naka lahad ang dalawang braso ko.

Okay, ang OA ko sa part na'yon.

"Huling palakpak ba talaga o huling halakhak? which one?" Nang aasar n'yang tanong kaya tuluyang bumagsak ang mag kabilang balikat ko at bumuntong hininga.

Nag face palm nalang ako at hindi na kumibo dahil alam kong hindi ko matatalo 'yang ka-bitteran n'ya at baka hugutan nanaman ako.

Basta para sa'kin ay walang imposible! Lalo na sa'min ng crush ko'ng si Eros.

Tumayo ako at tumakbo papunta sa harap ng laptop ko. Agad akong nag search kung paano ba mapapa ibig ang mga lalaki.

Oo na! Oo na! Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kaya kinakailangan ko talaga ngayon si mareng google.

----

"Eroooooooooos!" Sigaw ko habang tumatakbo sa koridor na puno ng estudyante.

Nakita kong huminto s'ya sa pag lalakad kaya nakangiti akong nag habol ng hininga sa likod n'ya.

Bumaling ang ulo n'ya sa kanan pero hindi n'ya ako nilingon. Hindi ko makita ng buo ang mukha n'ya.

"Kumain kana ba?" Tanong ko pero hindi s'ya kumibo. Sandali pa s'yang nanatiling ganon bago nag lakad paalis.

"Te-Teka Eroooossss!" Habol ko sa'kanya pero biglang dumami ang estudyanteng nag lalakad kaya nawala s'ya sa paningin ko.

PAKSHET NAMAN! FAILED AKO!

-----

Palakad-lakad ako habang nasa tapat ng bahay nila Eros. Bitbit ko ang pag kain na niluto ko para sa'kanya, nakalagay kasi sa google 'yon kaya ginawa ko na.

Narinig kong bumukas ang gate nila kaya napatingin ako doon. Nakita ko s'yang lumabas at sinarado ang gate nila, nanlaki pa ang mga mata n'ya ng makita ako sa tapat ng bahay nila.

'Ano ba Eros! wag mokong tignan ng ganyan! Mas lalo akong kinakabahan huhuhuhu.'

Sandali n'ya lang akong tinitigan bago nag lakad paalis — na pinigilan ko.

"Eros, sandali!" Hinawakan ko ang braso n'ya para mapigilan s'ya. Bat ba kasi ang hilig mag walk out ng isang 'to? Hindi n'ya siguro makayanan na tignan ang cute kong mukha, hayst!

Tinignan n'ya ang kamay ko na naka hawak sa braso n'ya kaya agad akong dinaluyan ng hiya sa katawan. Mabilis kong tinaggal iyon at umatras ng kaunti.

"A-Ah.. eh... G-Goodmorning! hehe" PAKSHET ANO 'TO? Napapakamot pa ako sa batok dahil sa hiya na dumalaw sa'kin.

"Ano'ng kailangan mo?" Tanong n'ya kaya mabilis akong napatingin sa'kanya. Malamig ang boses n'ya at mahahalata mo agad na hindi talaga s'ya interesado sa'yo.

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now