SI ALING PETRA, MABANGIS.

74 2 0
                                    


"Rosie, nag saing kana ba?" Tanong ni papa pag kalabas n'ya ng kwarto nila.

"Hindi pa po papa" Sagot ko kaya napangiwi s'ya.

"Nako! mag saing kana kasi parating na 'yung mama mo, baka mapagalitan kapa nakkow! Alam mo naman 'yung mama mo, masyadong mabangis." Napapangiwing sabi ni papa kaya natawa ako. Tama naman kasi 'yung sinabi ni papa, talagang malalagot ako kay mama kapag nahuli akong hindi pa nakapag saing.

Agad akong tumayo at dali-daling nag salang ng sinaing sa rice cooker. Sakto'ng pag tapos ko ay 'yung pag dating ni mama — kasama si ate Ashley at kuya Stormy.

"Ano nanaman 'to Stormy?!!hindi ka parin ba nadadala ha?!!" Malakas na bulyaw ni mama na nakapag patigil sa'min. Here we go again.

Ito na nga ba sinasabi ko eh.

"Ma naman, wag ka ngang maniwala sa mga sabi-sabi nila." Kumakamot sa ulong sagot ni Kuya.

"Ano nanaman bang nangyari?" Singit na tanong ni papa.

"Eto kasing anak mo! nakita raw ni mareng Gina na may kasamang babae 'tong gunggong na'to! Ang lakas ng loob mag jowa eh puro palakol naman 'yung mga grades! Isaksak mo sa baga mo 'yang card mo!" Sigaw n'ya at hinagis sa lamesa ang card ni Kuya. Nahihiyang napayuko si kuya at hindi na nakapag salita kaya ang ending? kay ate ash naman s'ya bumaling.

"Oh ikaw señora, kamusta naman ang date mo ngayon? " Mahinhin pero sarkastiko n'yang baling kay ate.

"M-Ma naman—"

"Opss.... Wag moko ma 'Ma naman' 'Ma naman' d'yan! wala akong anak na nag papa alam sa'kin na pupunta sa kaibigan pero makikita kong nasa palengke habang nakikipag holding hands sa boypren n'yang hindi mo malaman kung tao ba talaga o naligaw na engkanto lang—"

"Ma!"

"Oh baket? di hamak naman na mas guwapo ang tatay mo kesa d'yan sa boypren mo!" Bulyaw ni mama kaya napanguso naman si ate ash.

"Atleast hindi dugyot." Mahinang bulong n'ya pero rinig na rinig namin. Biglang napatayo si papa at hinarap s'ya.

"Anong dugyot?! sinong dugyot!? walang dugyot sa pamilya'ng to kaya hindi ko alam kung san ka nanggaling." Balik na asar ni papa sa'kanya kaya mahina akong natawa. Biglang napatingin sa'kin si mama kaya natahimik ako.

Paktay! damay-damay nanaman 'to!

"Oh ikaw Rosie? kamusta 'yang mata mo ha? ayos pa ba? kanina kapa yata babad sa selpon ah? " Sarkastiko n'yang sabi kaya nakagat ko ang baba ng labi ko. "Nakapag saing kana ba? " Dugtong n'ya kaya tumango ako.

"Tapos na ma" sagot ko dahilan ng pag taas ng kilay n'ya.

"Siguraduhin mo lang na nakapag saing ka na ha? " May pag babanta sa mga boses n'ya kaya tumayo ako.

"Oo nga ma, tignan mo pa dito sa kusina eh" Kampante ko'ng sagot at nag lakad papuntang kusina kung saan naroon ang rice cooker. Lumapit ako doon at alam kong nakasunod sa'kin si mama.

"Ayan oh? nakapag saing na'ko—" Bigla ako'ng natigilan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Naramdaman ko ang pag lapit ni mama at...

"DEPUTA ROSIE! NAKAPAG SAING KA NGA PERO HINDI MO NAMAN BINABA! ANO'NG KAMALASAN ANG DULOT N'YO NGAYON SA'KIN HAAA? "

PAKSHEEEEEEET!!!

         A FEW MOMENT'S LATER.

"Ma.." Tawag ni kuya kay mama na ngayon ay medyo kumalma na. Tunay nga'ng mabangis 'tong si mama.

"Ano nanaman 'yun stormy?" Inis na tanong sakanya kaya napakamot-ulo s'ya.

"Kukunin ko lang sana 'yung inutang mo sa'kin na 100, may bibil—"

"Ang kapal naman ng mukha mo'ng pabayarin ako sa utang ko kuno sayo? Aba stormy, baka nakakalimutan mo kung sino 'yung nag palaki sa'yo? at baka nakakalimutan mo na nag kanda hirap-hirap kami para palakihin kayo? " PAKSHET! ITO NANAMAN SILA!

Napapakamot ng ulo si kuya at umiling-iling. Bumaling naman si mama kay ate ash.

"At isa kapa ashley! Ikaw 'yung panganay pero ikaw 'yung bulakbol at gala ng gala sa mga kapatid mo! Baka gusto mo'ng libutin ang buong mundo ng hindi na bumabalik sa bahay na 'to? " Ayan nanaman 'yung mga rants ni mama na hindi matigil-tigil. Kaya bago pa ako balingan ni mama ay agad na'kong nag lakad pabalik  ng kuwarto ko.  Hanggang dito ay rinig na rinig ko sila.

"Ma naman, minsan lang naman 'yun eh" Sagot ni ate kaya nakangisi akong napa iling-iling.

"Abaaa! Gaano kadalas ang 'minsan' na sinasabin mo ashley ha? eh halos araw-araw kang wala dito sa bahay—"

"Ma, tama na kanina kapa eh" Yamot na sabi ni ate kay mama.

"Oo nga naman Petra, hayaan mo na muna yung mga bata—"

"ISA KAPA!" Bigla akong natawa dahil sa pag singit ni papa. Alam kong ngayon ay lumulunok-lunok na si papa sa takot kay mama.

"Ikaw 'yung padre de pamilya pero ikaw 'yung konsintidor kaya lumalaki ang ulo ng mga anak mo! At ano kamo? hayaan ko nalang 'tong mga ito? Bakit!? sino bang may mali? ha!?? " Sigaw nanaman ni mama kaya napailing at buntong-hininga ako.

Grabe talaga 'yung bunganga n'ya, walang tigil sa kaka sermon. Kapag nasermonan 'yung isa, damay-damay din 'yung iba. Jusko! mapapakanta ka nalang talaga ng...

"SI ALING PETRA~ MABANGIS~"

THE     END.

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now