BEFORE IT'S TOO LATE.

21 3 0
                                    


"HONEY BUNCH! GISING NA!" Bigla akong naalimpungatan dahil sa sigaw nya.

"TANGHALI NA HONEY BUNCH JUSKO! BUMANGON KANA JAN, BAKA MA LATE KAPA SA PASOK MO!" Kunot-noo akong napa hilamos sa mukha ko ng dahil sa ingay ng bunganga nya.

Ang aga-aga ang lakas ng boses nya.

'Day or night, malakas talaga boses nyan klyde'

"HONEY BUNCH----"

"Oo na! Eto na!" Medyo inis kong sabi at bumangon sa kama.

"NAKA HANDA NA DYAN YUNG KAKAININ MO HONEY BUNCH" Sambit nya pero hindi ko sya pinansin at dumiretsyo lang sa kusina.

Antok na antok pako pero ng dahil sa bunganga nya nawala lahat 'yon at napalitan ng inis.

Wala talaga sya'ng pinag bago, simula noon hanggang ngayon ang ingay parin ng bibig. Akala mo nasa malayo yung kausap. Nakaka rindi.

———————

"HONEY BUNCH!" Napa-tingin ako sa likod ko and i saw lovely running towards me.

Napapikit ako sa ginawa nya.

Nandito ako sa library at ang ingay-ingay nya.

bigla tuloy akong sinamaan ng tingin nung librarian dito at nasaamin din ang tingin nung iba pang mga tao.

"Why did you shout? We're here in library" Inis kong bulong sakanya. Napa-nguso naman sya.

"Na-excite kase akong tawagin ka eh, sorry na honey bunch" Naka-nguso nya'ng sabi kaya napa-buntong hininga ako.

"Okay fine, btw what are you doing here?" I asked. She smiled at me.

"Gusto sana kitang yayain kumain ng lunch honey bunch eh. Lately kase hindi na tayo masyadong nakaka kain ng sabay" Naka-nguso at malungkot nyang sabi.

"Busy ako ngayon." Maikli kong sagot. Wala ako sa mood.

"Pwede naman kitang samahan honey bunch eh, atsaka-----".

"Okay fine!" Inis kong sagot at linagpasan sya.

ayoko ng humaba pa ang pag uusap namin dahil alam kong puro pag da-drama nanaman yung mga sasabihin nya.

I know, ang sama ko sakanya dahil ayaw ko sya makasama. Pero masisisi nyo ba'ko? I'm tired!

Dati naman hindi pa sya masyadong ganyan, okay na okay pa kame.

Gusto'ng gusto ko pa sya.

Pero ngayon? Tsk!

Ewan!

Nakaka-inis na yung bunganga nya.
Kung hindi maingay, nag da-drama. Psh!

———

"HONEY BUNCH KUMAIN KANA BA?" Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nya. Mariin akong napapikit bago sya sagutin.

"Hindi pa." Malamig kong sagot.

"BAKIT NAMAN HINDI PA? DAPAT KUMAIN KANA KANINA PA, NAKO NAKO! AYAN KA NANAMAN, NAG PAPALIPAS KA NANAMAN NG GUTOM, ALAM MO NAMAN NA---" Hindi ko na sya pinatapos pa at binaba na ang linya. Inis akong napa hilamos sa mukha ko at sinambunutan ang buhok ko.

"Shit!" I cussed.

————

"Hi klyde, long time no see?" Bati ni Leslie, my girlbestfriend.  I smiled at her.

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now