STAY FOR ME

28 2 0
                                    

"Hon, kiss moko" Ngumuso ako kaya hinalikan nya naman agad ako.

"Sharap-sharap" Natatawa nya'ng sabi kaya humagalpak ako.

"Syempre naman noh! Ako pa ba?" Naka ngiti kong pag bibiro at sabay kaming tumawa.

———

"Hon, akin na yan!" Naka nguso kong sabi habang inaabot ang cellphone ko na hawak nya.

"Kiss mo muna pwet ko para ibigay ko na sayo toh" Nakangisi nyang sagot kaya hinampas ko ang pwet nya.

"Napaka bastos mo talaga!" Natatawa pero kinikilig kong asik sakanya.

"Kiss mo nga muna pwet ko para masaya" Ulit nya at humagalpak ng tawa. Inis ko sya'ng inirapan.
"Dali na, kiss mo na pwet ko" Pamimilit nya.

Sandali ko sya'ng tinitigan at....

"ARAAAAAAY!" Daing nya nang kinagat ko ang braso nya. Tigas pala netong braso nya? Yummy-yummy.

"Aray hon! masakit!" Pag papatuloy nya kaya binitawan ko na ang braso nya. Masama ang tingin ko sakanya habang sya naman ay tumatawang binalingan ako.

"Sabi ko i-kiss mo pwet ko, hindi ko sinabing kagatin mo yung hot na muscle ko" Tumawa nanaman ang mokong kaya hinampas ko na sya.

"Tigilan mo nga ako! May regla pa naman ako ngayon!" Pambabanta ko sakanya kaya mas lalo sya'ng ngumisi.

"Ano ngayon? gusto mo bang i-kiss ko nalang yang--- Araaaay!" Hindi ko  na sya pina tapos sa sasabihin nya at kinagat pa sya lalo.

Kala mo ah!

———

"Hon, ngumiti ka" Tabig nya sakin kaya inirapan ko pa muna sya bago tumingin sa camera.

Nag pa-PhotoShoot kami ngayon para may memories kami dito sa kilalang park samin.

"Hon, kiss moko sa pisngi" Naka-ngiti kong sabi na agad naman nya'ng ginawa.

"Ganda-ganda talaga ng future wife ko" Mahina nya'ng bulong sakin kaya naka-ngiti ko syang binalingan.

"Talaga? Yung future husband ko din sobrang gwapo" Bulong ko pabalik sakanya kaya tumawa sya.

"Done, sir" Napatingin kami sa camera man nang sabihin nya iyon.

Yun pala, kinuhanan nya kami ng picture habang nag-uusap.

———

I smiled as I looked at the picture of the two of us, he was so happy while looking at me.

The joy we felt for each other was obvious. You can also see how much we love each other.

I smiled.

"Marianne" Napa tingin ako sa pintuan ng may tumawag sa pangalan ko, and there i saw him.

"Aldus" Naka ngiti ko sya'ng sinalubong ng halik at yakap.
"Kamusta ang araw mo?" Naka ngiti kong tanong sakanya.

"Ayos naman" Sagot nya at binaba ang hawak nya'ng bag.

"Gusto mo na ba'ng kumain hon? Sandale,ipag luluto kita--"

"Busog pa'ko" Putol nya sa sasabihin ko kaya napa nguso ako.

"Kumain kana ba habang pauwi?" Tanong ko nanaman ulit pero bumuntong-hininga lang sya at umupo.

"Hindi pa, pero hindi rin ako gutom" Sagot nya at binuksan ang tv.  Wala naman akong nagawa kundi ang hayaan muna sya at bigyan ng tubig.

——

"Hon, late na ah? bakit ngayon kalang dumating?" Tanong ko at kinuha ang bag nya. Hindi nya ako tinapunan ng tingin at dumiretsyo lang sa sala.

"May tinapos lang ako saglit" Malamig nya'ng sagot. Ako naman ngayon ang napa buntong-hininga.

Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Sa araw-araw nami'ng pag sasama pagali sya'ng ganto.

———

"Mariann---"

"Aldus, wag." Mariin kong pigil sa mga salitang bibitawan nya. Sa mata nya palang, alam ko na kung anong sasabihin nya.

"I'm sorry..." Mapupungay ang mga mata nya'ng sabi. Akma nya akong hahawakan pero umatras ako.

"Hindi mo kailangan mag sorry, wala ka namang ginawa" At sa pag kaka tao'ng ito, boses ko naman ang nanlamig sakanya.

"Marianne, hindi ko na kaya! Itigil na natin toh" Nag mamakaawa nya'ng sabi dahilan para mamuo ang mga luha sa mata ko.

Ganon lang kadali sakanya ang sabihin sakin 'yon? Ganon lang kadali sakanya'ng bitawan ako?  Madali nalang ba para sakanya ang iwan at kalimutan ako?

"Hindi natin ititigil toh at wala akong balak tumigil aldus" Lumandas ang mga luha ko pag katapos ko itong sabihin. Unti-unting nang hina ang katawan ko at parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko.

Ayokong tumigil, hindi dahil sa ayaw ko lang kundi dahil hindi ko kayang tumigil. Mahal ko sya.

"Mahal ko si Candee... please marianne.... Let me go" Patuloy ang pag mamakaawa nya pero umiling lang ako.

"Aldus baka naguguluhan kalang sa nararamdaman mo? b-baka naman gusto mo lang sya pero ako parin yung mahal mo? d-diba? ako lang naman talaga aldus d-diba? naguguluhan kalang kaya mo nasasabi--"

"Marianne hindi ko na kaya!" Tumaas na ang boses nya pero imbes na magalit ako ay niyakap ko sya.

"N-Naguguluhan kalang sa n-nararamdaman mo, ako parin ang m-mahal mo. Iloveyou so please stay.... Stay for me.." Umiiyak ko'ng sabi. Hindi ko na kaya pero kakayanin ko, kahit mag mukha akong tanga hindi ko sya bibitawan.

Lumipas ang mga linggo at nanatili sya sa tabi ko. Hindi nya ako iniwan gaya ng paki-usap ko sakanya.

Kahit na malamig ang pakiki tungo nya sakin ay ayos lang. Basta nasa tabi ko sya, sapat na.

Napa-tingin ako sa picture naming dalawa kung saan makikita mo kung gaano namin kamahal ang isa't-isa.

Kung kaya ko lang ibalik yung mga araw na yun ay ginawa ko na. Wag lang sya'ng mawala sakin ng paulit-ulit.

Alam kong sobrang tanga ko na ngayon dahil nananatili pa ako sa tao'ng sinasaktan ako. Sa tao'ng meron ng gustong iba.

Pero masisisi nyo ba ako?

Mahal ko sya and...

'I'm pregnant'

THE     END.

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now