COMFLIRT

65 3 0
                                    


"DHALENNE! DHALENNE!" Dinig kong sigaw ni Brian kaya inis akong napa balikwas ng bangon sa kama ko.

"ANO NANAMAN BA!?" Inis kong sigaw pabalik sakanya. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok sya.

"Hoy Dhalenne! Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?" Tanong nya kaya napapikit naman ako sa inis.

"Pwede ba! Wag ngayon!" Inis kong sabi at humiga ulit, Tinalikuran ko sya at binaliwala ang presensya nya.

"Ano nanaman bang problema mo? May dalaw kaba?" Tanong nya pero hindi ko sya pinansin.

"Hoy! Sagutin mo tanong ko!" Sambit nya pa pero hindi ako umimik.

"Kapag hindi mo sinagot yung tanong ko, Dadaganan kita" Muli nyang sabi at sa pag kakataong ito ay napabalikwas ulit ako ng bangon.

'Nag sisimula nanaman sya' Sambit ko sa usip ko.

"ANO BANG KAILANGAN MO?" Inis kong sabi kaya kumunot naman ang noo nya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Takha nya'ng tanong pero nag iwas lang ako ng tingin.

"Wala kana don" Maikli kong sagot.

"Sabihin mo sakin, Bakit ang init ng ulo mo? Sinong gumawa nyan sayo?" Muli nyang tanong kaya inis akong tinignan sya.

"Ano bang pake mo? Ha? Eh sa mainit ang ulo k--"

"Hahalikan kita kapag hindi mo pa yan sinagot" Pag babanta nya kaya napa-singhap naman ako sa hangin.

'I have no choice but to answer this jerk'

"FINE! Break na kami ni Nam!" Sambit ko at nag iwas ng tingin. Sandali kaming nabalot ng katahimikan bago sya mag salita.

"It's Okay" Sagot nya kaya kunot noo naman akong tinignan sya.

"Anong namang Okay don?" May halong inis kong sabi. Ngumisi naman sya.

"Alam mo, Sa isang Relasyon, Aabot talaga kayo sa puntong pareho na kayo'ng mag sasawa, But don't worry, Kapag wala ng 'Kayo' nandito naman 'Ako', Wala pang 'tayo' pero 'sayo' nako" Nakangiti nyang sabi kaya hinampas ko naman sya ng unan.

"NAPAKA-LANDI MO TALAGA!" Sigaw ko at nag lakad palabas ng kwarto ko.

"WHAT? WHAT'S WRONG WITH THAT?" Tatawa-tawa nyang tanong kaya huminto ako sa pag lalakad at nilingon sya.

"MAG PINSAN TAYO! TANGA!" Sigaw ko pabalik sakanya dahilan para humagalpak sya ng tawa.

Hilig nya ang landiin ako kahit meron nakong Jowa at kahit alam nyang mag pinsan kami.

'Loko yun ah? Sumbong ko kaya yun kay Tita?'

THE       END.

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now