LONG DISTANCE RELATIONSHIP

35 3 0
                                    

DOES LONG DISTANCE RELATIONSHIP REALLY WORK?

"HAPPY BIRTHDAY!" Sabay-sabay nilang sigaw habang ako naman ay natigilan sa ginawa nila. Agad nila akong niyakap at binati.

"Happy birthday tricia!" Masayang bati ng isa sa mga pinsan ko kaya nag pasalamat ako.

Hindi ko ine-expect na isu-surprise nila ako ng ganito.

Agad na hinanap ng mga mata ko ang isang tao'ng gusto ko'ng makita.

there...

"Happy birthday baby" Nakangiti n'yang sabi habang nag lalakad papalapit sa akin. Hawak n'ya ang caramel cake na pinaka favorite ko.

Hindi ko mapigilan ang maluha lalo na ngayon na pinag handaan talaga nila 'to.

"Any birthday wish?" Tanong n'ya habang dinudungaw ang mukha ko'ng may luha. Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti at pumikit.

"I wish, even if we are far away from each other, I hope our feelings do not change no matter what happens." Nakangiti kong sabi bago dumilat. Nakita ko ang mag kahalong saya at lungkot sa mga mata n'ya. Inilapag n'ya ang cake na hawak n'ya bago s'ya lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Kahit nasa malayo tayo, kahit hindi natin nakikita ang isa't-isa, kahit madami tayo'ng pwedeng makilalang iba? pilitin nati'ng hindi mag bago ang nararamdaman ng puso natin na sa umpisa pa lang ay nag ka-isa na. Piliin nati'ng maging matatag kahit hindi nag kikita, okay?" Mahaba n'yang litanya na mas lalong nakapag paiyak sa'akin. Mahigpit ko s'yang niyakap at sinubsob ang sarili sa dibdib n'ya.

Bukas ay aalis na s'ya pauwi sa bahay nila. Malayo s'ya sa'kin kasi malayo ang lugar nila kaya bihira lang kami mag kita.

Kaya sana, matupad ang hiling ko na mag tagal kaming dalawa. Naniniwala naman ako don eh, naniniwala ako'ng mag tatagal kami dahil mahal na mahal namin ang isa't-isa.

Kinabukasan ay agad ako'ng napabalikwas ng bangon at tumingin sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na 9:30am na pala. Ngayon ang alis ni dave kaya tumakbo ako papuntang sala para tignan kung nandon pa s'ya.

"Asan si dave?" Tanong ko at hindi na makapag hintay sa isasagot nila.

"A-Ate... kase---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin n'ya at agad na akong bumalik sa kwarto ko para mag bihis.

Alam ko na.

Alam ko na na hindi n'ya hahayaang makita ko ang pag alis n'ya, alam ko'ng ayaw n'ya akong makita na umiiyak kaya hindi na s'ya nag paalam sa'kin ngayon. Pero desidido talaga akong makita s'ya kahit ngayon na ang huli--- hindi, mag kikita pa naman ulit kami kapag pareho kami'ng nakapag ipon.

Mabilis ko'ng tinahak ang airport gamit ang sasakyan ni papa na ginamit ko nang hindi nag papaalam sakanya.

Tumakbo ako papasok nito at hinanap s'ya ngunit masyado ng marami ang mga tao na naka paligid sa'kin kaya hindi ko alam kung saan ko s'ya makikita.

"Oh kay sarap~ sa ilalim ng kalawakan" Bigla akong napahinto sa pag lalakad nang marinig ko ang boses na iyon. Limingon ako sa likod ko pero wala s'ya don.

"Kapag kapiling kang~ tumitig sa kawalan" Sinundan ko ang pinang gagalingan ng boses na iyon at hindi na inalintana ang mga taong nasa paligid ko.

"Saksi ang buwan at bituwin sa pag mamahalan nati'ng dalawa~" Dinala ako ng mga paa ko sa mga upuan at doon ko s'ya natagpuan. Naka upo s'ya at naka talikod sayakin.

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now