JOHNY JOHNY, YES PAPA!

588 4 3
                                    


"HOY! ANONG GINAGAWA MO JAN?" Tanong ko sa kapatid ko na parang tanga'ng nag sasalita pero wala namang boses.

"Nag Ti-Tiktok, duuhh" Sagot nya sabay irap.

'Aba, loko to ah?'

"Babad ka nanaman sa Tiktok! Mag linis ka nga!" Inis kong sabi sakanya pero di nya ako pinansin, Pumasok nalang ako sa kwarto ko at tinignan yung mga Tiktok nya.

Naka limang Tiktok sya sa isang araw? Ganyan ba talaga sya ka bored? Tss.

Inumpisahan ko na itong panoorin at ang bruha! Puro dila lang ang ginagawa, Puro pag papa Cute akala mo naman Cute! Ang sarap hilain ng ngala ngala ng Gaga!

'Johny Johny~Yes Papa~ Eating sugar? No Papa~ Telling lies?~ No papa~ Open you'r mouth~ Ah- Alabyuuuu~ TAYO NALANG DALAWA~ TAYO NALANG MAG SAMA~'

Agad ako'ng napangiti sa narinig kong kanta, Hindi dahil sa kapatid ko ah? Dahil mismo sa KANTA.

'Try ko kaya to kay Crush?'

Agad na may namuong kalokohan sa isip ko kaya buong araw ay inisip ko kung paano ko magagawa yung plano ko.

KINABUKASAN.

"RAM!" Tawag ko kay Crush at umupo sa tabi nya, Kumunot naman ang noo nya.

"Bakit?" Walang emosyon nyang tanong.

"Alam mo ba yung kanta'ng 'Johny Johny, Yes Papa?" Tanong ko sakanya dahilan para mas lalong kumunot ang noo nya.

'Wag kang KJ please...'

"Yes, Bakit?" Sagot nya.

'Yown!'

"Ah, Wala lang, Gusto ko lang kantahin yun kasama ka" Sambit ko  kaya tumaas naman yung dalawang kilay nya.

'Pakapalan na ng mukha to gurl!'

"Why?" Tanong nya kaya napakamot naman ako sa ulo.

"Basta! Kantahin nalang natin yon! Pleaseeeeee" Pag mamaka-awa ko pa. Sana pumayag syaaaaaa.

"No." Cold nyang sagot kaya napanguso naman ako.

"Dali naaaa, Promise! Hindi kita guguluhin ng isang araw kapag pumayag ka" Pangungumbinsi ko ulit sakanya at mukhang pabor naman sya sa sinabi ko.

'Hmp! Kainis!'

"Okay" Medyo nakangisi nyang sabi.

"Sige, Simulan mo" Excited kong sagot sakanya.

"Johny Johny?"

"YES PAPA!"

"Eating sugar?"

"NO PAPA!"

"Telling lies?"

"NO PAPA!"

"Open you'r mouth"

'DIZIZIT!'

"AH- ALABYUUUUUUUU!" Ngiting-ngiti kong sabi sakanya. PAKSHET! KINIKILIG AKO! WAAAAHHHH!

"AH- ANG LANDI MO"

O_o

'AH- ANG LANDI MO'

'AH- ANG LANDI MO'

'AH- ANG LANDI MO'

Parang sirang plaka na nag paulit-ulit yun sa tenga ko. Gulat akong napatingin sakanya.

"Akala mo hindi ko alam yan? Tss, Gasgas na yan sa tenga ko. Tiktok pa" Tatawa-tawa nya'ng sabi at iniwan akong naka nganga.

'Pakshet!'

"H-Hindi tumalab yung banat ko?" Mahinang tanong ko sa sarili at napasabunot sa sarili ko'ng buhok.

"KASALANAN MO TO TIKTOK! WAAAAAAAAAHHHHH" Sigaw ko sa buong room dahil sa kahihiyan.

'Napahiya ako kay Crush! WAAAAAAAHHH'

T H E   E N D.  (TIKTOK PA MORE!)

All Rights reserved ©Supremo

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now