TRAITOR.

43 5 0
                                    


Wattpad: @lunavees

"Baby, wag mong kakalimutan kumain ah? at mas lalong h'wag kang mag papalandi sa mga lalaking nandoon, mapapa-away talaga ako."  Hindi ko alam kung binibilinan nya ba ako o ano eh, pero tumango ako at sumang-ayon sakanya.

"Hindi naman kita ipag papalit baby, you don't have to worry okay?" Sambit ko na tinanguan nya rin.

YES, seloso ang boyfriend ko at strikto, but I understand him. I know na that's the only way he can say that he wants me to stay.

["Ano na? nasaan kana?!!"]  Nailayo ko ang phone ko sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Yanna.

"Paalis na'ko! Mag hintay kayo!" Balik kong sambit sakanya.

["Bilisan mo dai! Kanina pa'ko inom na inom dito! Nakakatakam 'yung Red Horse"] Bigla akong natawa sa sinabi nya.

"Mauna ka ng uminom kung gusto mo" And I ended the call. I look back on Noah who's playing mobile games on his phone.

"Baby, alis na'ko. Kiss ko!" Ngumuso ako kaya agad sya'ng tumayo para halikan ako sa labi.

Owemji, ba't ba kase ang lambot ng labi nya? MY GOD!

Agad na'kong sumakay ng jeep papunta kina yanna, she's my childhood bestfriend and birthday nya ngayon kaya hindi pwedeng wala ako doon.

It's exact 8pm when i arrived on their house.

"BIA OWENJIII! I MISSED YOUUU!" Agad nya'ng bati saakin kaya binatukan ko sya.
"ARAY KO AH?" Asik nya.

"Gaga ka! Maka arte ka dyan akala mo naman hindi tayo nag kikita araw-araw" Natatawa akong umirap sakanya kaya sabay kaming natawa.

"Masama bang ma-miss ka kahit nag kikita tayo? Duuuh!?"

"Tara na dai! Mag walwal na tayo ngayon dahil kailangan kong umuwi ng 9pm dahil hinihintay ako ng bebe ko." Pag papa alala ko na nginiwian nya.

"Ano ba'yan! Minsan na nga lang tayo mag inuman, sasaglit kalang? Ngayon lang 'to oh?" Reklamo nya kaya nakangiti akong umiling-iling.

"Babawi nalang ako next time, ayokong ma-cardiac ako ng bebe ko!" Huling sabi ko na inirapan nya.

Nag inuman kami kasama ang iba pa naming mga kaibigan. May mga lalaki rin doon na nirereto nila sa'kin pero inaayawan ko dahil may boyfriend na ako.

Hindi pa kasi nila nakikilala si Noah in person kaya ganto sila sa'kin ngayon.

"Mabait ba boyfriend mo? Hindi ka ba nya sinasaktan physical? Nako! Umamin ka Bia ah?" Nag babantang sabi ni Rose kaya natawa ako.

"Mukha ba'kong mag tatagal sa tao'ng sasaktan lang ako? Of course hindi nya'ko sinasaktan physical. Mahal na mahal ako 'non" I said, confidently. Alam kong mahal ako ni Noah and I know that he won't hurt me.

"Nako dai, ganyan din kataas 'yung confidence level ko nung kami pa nung ex ko. But look at me now, nahihiya ako t'wing naaalala ko kung paano ko sya pinag yabang!" Yanna said while rolling her eyes.

"Iba naman si Chanchan kay Noah—"

"OH PLEASE! STOP MENTIONING HIS NAME!" Biglang sigaw ni Yanna kaya nag tawanan kaming lahat.

Ayaw na ayaw nya kasing binabanggit namin 'yung pangalan ng ex nya dahil ayaw nya na daw ito maalala.



That night, we drunk until we get wasted.

"Baby, may tumatawag sa phone mo." Sambit ni Noah kaya kinuha ko ang phone ko sa table.

It was Yanna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now