WE ALL HAVE TROPA LIKE:

35 2 0
                                    

"AYOKO NA TALAGA, SUKO NA'KO! HUHUHU" Umiiyak na sabi ni Drassy, Kaibigan namin.

"Ano ba kasing nangyare sainyo?" Tanong ko kaya napairap naman si Lea bago sumagot.

" As usual, Nag break nanaman sila ni freed" Sagot nya kaya napa-buntong hininga ako.

Lagi nalang silang ganito. Mag-aaway, Mag babati, Mag be-break tapos mag ka-comeback. Para silang mga bata.

"So pano na'yan Drassy? Ano ng gagawin mo?" Tanong ko kaya nahinto sya sandali sa pag hikbi.

"H-Hindi ko alam... Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko huhuhu.... G-Guys need ko ng advice." Humahagul-gol nyang sagot kaya this time, sabay kaming napairap ni Lea.

"Ilang advice pa ba ang kailangan naming isaksak d'yan sa kukote mo bago ka magising sa katotohanang niloloko ka lang nung lokong yun? ha? " Naka pa-meywang at inis na sabi ni Lea.

"Yang, Hindi naman ako niloko ni freed, friends lang daw sila lenie" Depensa ni Drassy kaya napa-iling nalang ako.

" Kita mo na? Kita mo na!?  Pinag tatanggol pa talaga yung ex nya." Inis na sabi sakanya ni Lea.

"Guys! Tama na okay? Wag nga kayong mag away ng dahil lang sakanya! At ikaw naman Drassy, tumigil kana kaka-iyak jan! Kung ayaw nya na, Edi ayaw nya na. H'wag kana mag habol okay?"

" Hindi naman ako nag hahabol eh. Besides, Ayoko narin talaga sakanya, Nakaka sawa na mga ginagawa nya sakin. Nag titimpi lang ako sakanya pero ngayon, AYOKO NA TALAGA! "

"Paano kapag bumalik sya?" Mabilis na tanong ni Lea.

"ULOL! WALA NA SYANG BABALIKAN! AT ITINA-TAGA KO SA BATO NA THIS IS THE LAST TIME THAT I WILL CRY FOR HIM! HINDI KO NA KAKAININ YUNG MATAGAL KO NG SINUKA!" Matapang nyang sabi.

_____________

"Rels, Asan si Drassy?" Tanong ni Lea kaya tinignan ko sya. Nandito kami ngayon sa cafeteria.

"Nag restroom" Maikli kong sagot bago kumain ulit.

"Restroom? Eh halos kalahating oras na sya'ng wala ah? Ano yun? Na-flash na ba sya sa bowl?" Muntik ko ng mailuwa yung kinakain ko ng dahil sa sinabi nya.

"Watch your words" Inis kong sabi at kumuha ng tissue.

"What!?? eh sa kanina pa tayo nag hihintay eh" Sagot nya kaya bumuntong hininga ako.

"Puntahan na nga natin" Yaya ko sakanya at tumayo na.

"Good Idea" Sagot nya at nag paumuna sa pag lalakad.

Habang nag lalakad kami papuntang restroom ay nag tataka rin ako kung bakit ang tagal ni Drassy, Na-flash nga ba talaga sya sa bowl?

Nang maka rating na kami doon ay nilibot namin yung buong restroom pero...

"Asan si Drassy?" Tanong ko ng makitang walang tao doon.

"Akala ko ba nandito sya?" Balik na tanong nya kaya nag katinginan kami.

Parang na-gets nya naman yung mga titig ko sakanya kaya sabay kaming lumabas at umalis doon.

'Damn it!'

Tumakbo kami papuntang garden at hinanap si Drassy and...

"What the fuck!!??" Kunot noo'ng bulalas ni Lea ng makita si Drassy na kasama si freed.

Nag lalambingan sila na akala mo ay hindi nag break. Tsk!

"HOY MARUPOK!" Tawag ko kay Drassy kaya pareho silang napatingin samin.

"R-Rels? Lea? B-Bat nandito kayo? Pano nyo'ko nahanap?" Gulat nyang tanong kaya nag kruss ang mga braso namin.

"Tinatanong pa ba yan Drassy? Iniwan mo lang naman kami sa cafeteria at nag paalam na mag re-restroom lang pero ang totoo, Kikitain mo lang pala yang lokong yan! " Inis na sabi ni Lea kaya napa-iling nalang ako.

"Drassy, Akala ko ba wala na kayo?" Mahinahon kong tanong. Pilit kong pinapa-kalma ang nag wawala kong sistema.

"Oo nga! Sabi nya pa 'Ulol! Wala na syang babalikan! At itina-taga ko sa bato na this is the last time that i will cry for him! Hindi kona kakainin yung matagal ko ng sinuka" Pang-gagaya nya pa sa sinabi nya.
"PWE !! ASAN NA NGAYON YUNG SINABI MO NA ITINAGA MO SA BATO? EH KUNG TAGAIN KAYA KITA? " Inis na dugtong ni Lea kaya napa-nguso sya.

Saglit na nag paalam si freed na aalis na daw, Hindi sama kami papayag pero ang bilis nyang mag lakad. PAKSHET!

"Sorry na... Hindi ko lang talaga masabi sainyo na nag comeback kami kasi alam kong hindi kayo papayag" Naka-nguso nyang sambit.

"Akala ko ba pagod kana? Akala ko ba nag sawa kana? Anong nangyare? " Tanong ko pero yumuko lang sya at sinabi ang magic word nya.

"Mahal ko kasi eh" Mahina nyang sabi kaya halos umusok ang ilong namin ni Lea.

"Alam mo Rels? Mas maganda sigurong don muna tayo sa cafeteria" Yaya ni Lea kaya tumango-tango ako.

"Tama tama! Dun muna tayo sa cafeteria" Tumatango kong sabi dahil sa sobrang inis.

"Guys sorry naaa" Pag lalambing nya.

"ANG RUPOK MO!" Sabay naming sabi sakanya. Nakakainis!

"Mahal ko nga kasi eh"

"Pwede ba? Tigilan mo nga yan! Alam naman naming mahal mo yung tao pero yung maging marupok ka? AS IN SOBRANG RUPOK? DRASS GUMISING KA JAN SA KAHIBANGAN MO! "

"Oo na, Sorry naaaa"

"All this time, Nasayang lang lahat ng advice namin sa'yo? Kelan kaba titino? Gusto mo bang itaga kita sa bato? "

"Hindi rin madali sakin 'to no, Mahal ko lang kasi talaga"

"WHAT THE FUCKK? AS IN, WHAT - THE - FUCKK!!! "

Inis kong ginulo ang buhok ko at napa hawak sa sintido.

Bakit ba may mga kaibigan tayong ganito? Yung tipong nakaka-ilang advice kana sakanya pero parang hangin lang lahat yun dahil hindi nya naman sinusubukang gawin?

Leik, BESH GISING NA! HINDI KANA MAHAL NUNG TAO KAYA BUMITAW KANA! WAG KANG MARUPOK!

At wag na kayo mag pa-advice kung hindi nyo rin naman susubukang gawin. Nakaka-stress yung lovelife pero mas nakaka-strees yung Beshy mo na marupok pa sa kahoy. Grrrrr!

THE      END.

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now