Reason's to Continue Writing

92 6 3
                                    


*RIIIIIIIIINNGGGGGG*

Agad ko'ng kinuha ang bag ko at lumabas ng Classroom, Excited nakong makita ang dalawa ko'ng kaibigan dito sa Campus.

"Erica!" Agad akong napalingon sa likod ko at doon ko nakita si Andeng at Kimmy, Sila ang Bestfriends ko.

"Tara! Kain na tayo" Pag aaya ni Kimmy kaya sabay-sabay na kaming bumaba sa Canteen.

"Ano ng balita sayo Andeng? Bat dika Active buong araw kahapon?" Takha kong tanong sakanya pero natawa lang sya.

"Online ako sa Rp account ko eh" Sagot nya kaya pareho namang kumunot ang noo namin ni Kim.

"Rp account?" Kunot noo at takha ko'ng tanong.

"Oo, Rp account. Yung Role Play World? Dinyo alam yun?" Sagot nya kaya naguluhan naman kami.

"Ewan sayo, Di kami maka relate" Sambit ko kaya mahina nya akong hinampas aa braso.

"Di nyo alam yun?" Tanong nya ulit.

"Ang alin? Yung mga Poser?" Sagot ni Kim na agad ko namang sinang ayunan.

"Sira! Hindi poser yun, Role play yun! Yun yung account na mag po-port ka ng kung sino yung gusto mo or bias mo, Tapos, Kailangan mong i-keep yung identity mo" Mahaba nyang paliwanag kaya napangiwi naman ako.

"So anong gusto mong gawin namin? Gumawa din ng Rp ganon?" Taas kilay ko'ng tanong sakanya kaya hinampas nya ulit ako sa braso.

'Nakaka ilan na to ah!'

"Syempre hindi! Kayo parin bahala kung gagawa kayo o hindi" Sagot nya pero iniba ko nalang yung topic. Di ako maka relate eh.

KINABUKASAN.

"Erica! Mag sisimula na yung practice! Ano bang ginagawa mo jan?" Sigaw sakin ni Kim habang papalapit.

"Nag Wa-Wattpad ako eh, Patapos natong chapter kaya susunod nalang ako sainyo" Sagot ko at nag patuloy sa pag babasa, 2 years nakong Nag babasa ng Wattpad at sobrang dami ko ng Asawa.

"Kapag nakita ka jan ni Ma'am, Lagot ka talaga" Pananakot nya pa kaya napairap nalang ako at sumunod sakanya.

'Pinuputol nya Imahinasyon ko! Hmp!'

Pag katapos ng Practice ay dumiretsyo nako sa bahay at nag pahinga.

At tulad ng lagi ko'ng gawain ay naka babad nanaman ako sa Facebook.

Wala akong ka-Chat pero keri lang! Tamamg react lang ako sa mga post nila.

Scroll up, Scroll down and....

*TING*

May Isang post akong nakita na naka pukaw ng interes ko, Isa itong storya at dahil Wattpadian ako, Binasa ko.

Sobrang ganda ng story kaya ini-stalk ko yung nag post nun, Nakita ko'ng hindi sya nag re-reveal ng mukha nya at sobrang dami nyang reaktor.

'Try ko kaya to?'

Erase! Erase!

Iba-bash ako ng mga Classmate ko kapag nag post ako ng Ganto sa Timeline ko. Paniguradong hindi nila babasahin yun.

"Sira! Hindi poser yun, Role play yun! Yun yung account na mag po-port ka ng kung sino yung gusto mo or bias mo, Tapos, Kailangan mong i-keep yung identity mo"

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Andeng.

'What if gumawa ako ng ganon? Para hindi nila malaman na ako yun?'

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now