BAD LIAR

41 1 0
                                    

FEBRUARY  14,2019 (Thursday)

"JC, SINASAGOT NA KITA!" Masayang sambit ni Jane kaya hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya.

"T-Talaga?" Paninigurado ko at sunod-sunod naman sya'ng tumango.

"YEEESS!" Malakas kong sigaw kaya natawa sya.

5months akong nanligaw sakanya at sobrang saya ko ngayon kasi nag bunga ang lahat ng panunuyo ko sakanya.

__________

"Honey tara, Gala tayo" Pag aaya nya kaya nakangiti ko sya'ng nilingon.

"Sige, Kung gusto mo" Nakangiti kong sagot.

"Tara! Lapagan na ng ipon!" Sambit nya at pareho kaming natawa.

Ganito kami kapag mag de-date, Nilalapag namin yung ipon namin para yun yung gastusin.

"Ilan na-ipon mo?" Pag hahamon ko sakanya.

"500 this month, ikaw?" Sagot nya at inilapag ang 500 sa lamesa.

"Naku! Napaka-hina" Pang aasar ko kaya sinamaan naman nya ako ng tingin.

"Bakit ikaw? Ilan ba naipon mo?" Tanong nya kaya ngumisi naman ako.

"100, 200, 300, 400, 500---WANTAWSAN!" Malakas kong sabi at inilapag ang One thousand na hawak ko.

"Psh! Edi ipon mo nalang gastusin natin! One thousand pala ah" Singhal nya kaya tatawa-tawa akong umupo.

"Pwede rin, Itabi mo nalang muna yang 500 mo, tapos yan yung gamitin natin sa susunod na date natin" Nakangiti kong sabi kaya naka nguso naman nya'ng kinuha ang pera nya at inilagay iyon sa Wallet nya.

"Tara na!" Nag tatampo nyang sabi. Agad ko naman sya'ng inakbayan.

"Wag kana po mag tampo, Libre kita ngayon" Nakangisi kong sabi at nakita ko naman syang palihim na ngumiti.

'Ang kalog talaga-.-' Sabi ko pa sa isip ko.

______

BUWAN ang lumipas at pareho kaming busy, Pero meron din namang pag kakataon na nakakapag date parin kami.

Para kaming BDO, We always find ways.

"Honey gusto kong mag laro sa Gamezone" Sambit nya kaya nakangisi naman akong liningon sya.

"Laro tayo ng basketball, Ano?" Pag hahamon ko sakanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Akala mo ba a-atrasan kita?" Taas kilay nyang sabi.

"Ano? Game ka?" Pag aasar ko.

"GAME! Game na Game!" Sagot nya kaya tatawa-tawa akong hinila sya papuntang Gamezone.

Nag pa-palit muna kami ng Tokens bago nag simulang tahakin ang Basketball Machine.

"Oh Hon, kapag nanalo ako, Ikaw mag babayad mamaya sa Cine ah?" Nakangisi kong sabi kaya taas noo naman nya akong tinignan.

"Sige ba! Kala mo uurungan kita?" Sagot nya dahilan para matawa ako.

"Game na"

"GAME!"

Nag simula na kaming mag laro at nag ipon ng ticket's, Kailangan kong manalo para makapag gastos din sya sa Cine mamaya, Napaka-buraot kasi nya.

Lumipas ang oras at mas marami akong ticket na nakukuha kesa sakanya.

ONE SHOT STORIES COMPILATON Where stories live. Discover now