CHAPTER 23

952 21 1
                                    


Merry Christmas

"Pusa nalang kase!" Pagpupumilit ko. Nandito kami ngayon ni Chase sa mall, namimili kami ng ipangreregalo namin para sa pasko.



Lumipas na ang dalawang linggo matapos ang kasal nina Kuya Chadler. Masaya dahil parang nagbakasyon lang din kami. Ang pinaghahandaan namin ngayon ay ang paparating na pasko at bagong taon.



"If you will buy a cat then I'll buy the seeds" aniya.




"Ih! Bakit kasi buto ang ireregalo mo? Andami ng halaman sa bahay namin, baka maging gubat na 'yon!"




"Then why would you give my mom a cat? We already have four cats at home, it would be a cat parlor there!" Aniya naman. Bakit parang katulad lang sa 'kin pero in english?





"Ah basta! Bibilhin ko 'yung pusa!" Sabi ko saka na sana papasok sa pet shop ng bigla niya akong hilahin paalis don.




"Ano ba?!" Inis na baling ko ng huminto siya.






"Buy her jewelries instead" sabi niya sabay nguso sa jewelry store sa harapan namin.




"Andami na kayang jewelry ng mama mo" nakangusong sabi ko.



"Then a bag instead" sabi niya saka tumalikod kaya naman tumalikod ako. Nakatingin siya sa store ng mga bag.




"Bag din ang ibibigay ko kay mama e"




"That's fine, just give them a different design" aniya kaya naman ako napatango. Pumasok kami sa store ng mga bag saka ako nagtingin tingin. I bought a Black Prada Saffiano Tote Bag for tita Audrey. Lumipat pa ako ng isang store dahil wala na akong nagustuhan doon.







Halos dalawang store ang napuntahan namin bago ko nahanap iyong gusto kong iregalo kay mama. Binilhan ko siya ng isang Michael Kors Selma Satchel. Ginawa ko na ding color black para pareho sila ni Tita Audrey.



Pinuntahan ko na si Chase doon sa Jewelry store kanina dahil bumalik siya don at bumili ng pang regalo kay tita Audrey at kay Mama. Nang lapitan ko si Chase ay tumitingin tingin pa siya sa mga earings.



"What do you think, this or this?" Tanong niya kaya naman tinignan ko ng maigi ang mga hikaw.




"They look the same" seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga hikaw.




"No they dont, this one looks like a big flower, while this one looks like..." huminto siya saglit saka tumingin sa 'kin.



"Looks like?"




"A flower" aniya.



"See!"



"But this one has a lot of diamonds!" Aniya sabay turo dun sa isa.



"Then buy these two, I'm sure mom and Tita Audrey would be happy to have matching earrings" sabi ko habang naglalakad papunta sa nga kwintas.



"They are not the same!" Aniya naman.




"Yeah, sure" tumatangong sabi ko habang nakatingin sa mga kwintas.




"Can I see this?" Tanong ko sabay turo dun sa kwintas na gusto ko. It’s a star shape that has diamonds around it.




"Do you like that?" Biglang tanong ni Chase na nasa tabi ko na pala. Tumango ako at tinignan ang presyo ng kwintas. Awts grabe, ang sakit niya sa bulsa.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon