CHAPTER 02

2K 70 47
                                    


Friend

Sobrang nakakapagod ang nangyari sa mga nakaraang araw dahil sa sobrang daming pinapagawa, sobrang dami ng kailangang gawin at kailangan mo talagang mag advance reading upang maintindihan ang sinasabi ng prof mo.


Sa mga araw na 'yon ay walang chismis na nangyari kasama sina Xena dahil nasa condo lang ako buong araw, nagbabasa.


Bukas ay balak ko silang ayain kumain, reward ko na sa sarili ko dahil nakayanan ko ang mga araw na 'yon. Sa ngayon ay nandito ako sa bahay namin. May darating daw kasing bisita si Mama, ewan ko nga bakit kailangang nan dito ako eh siya ang may bisata don.


"Ate! Maligo kana daw dahil papunta na yung bisita ni Mama!" rinig kong sigaw ng kapatid ko.


Ayt! Bakit ba kailangang maligo?! Sayang lang naman yung tubig, para namang aamuyin ako ng mga bisita nila!





" 'Cause there is no guarantee that this life is easy" pagkanta ko ng makalabas ako sa banyo. Kinuha ko iyong blower saka pinatuyo ang buhok ko.


"Yeah, When my world is falling apart!" napaubo ako  ng bahagya dahil sa pagkanta.



"When there's no light to break up the dark!" Hindi ko na alam kung kumakanta pa 'ko o sumisigaw nalang hehe. Nang matapos kong patuyuin ang buhok ko ay tumayo ako sa harap ng salamin habang tinitignan ang sarili.



"That's when I, I  I look a you" nakangiting kanta ko habang nakatingin sa sarili ko. Ibinalik ko ang blower sa drawer saka na sana bababa.





"When the waves ar- Ay! Ano ba?!" Tanong ko kay Chase na nasa harap ng pinto. Nakasandal ito sa pader habang nakakunot ang noo at naka-krus ang mga kamay.


"Bat ka nandito?" Nagtatakang tanong ko. Umiling lang siya saka na naglakad.



"Tawag ka ng mama mo" sabi niya habang patuloy pa din sa paglakad.



Narinig ba niya akong kumakanta? Hindi naman siguro? Lintek na yan nakakahiya.



"Oh ayan na pala si Lara" sabi ni Mama ng makita ako.



"Lara? Ang ganda mo lalo!" Sabi ni Tita audrey.



"Tita naman! Maliit na bagay" sabi ko kaya naman sila natawa. Kaibigan ni Mama si Tita Audrey, alam ko ay kakabalik lang nila ng bansa dahil sinundo nila ang kanilang anak na nasa New york.



"Oo nga pala this is Chase, I bet magkakilala na kayo"



"Hindi-"


"We know each other" putol sa 'kin ni Chase. Nagtataka akong nakatingin sa kaniya. What the Heck? What the fuck?





Habang kumakain ay nagkukwento si Audrey tungkol sa kabataan ni Chase, puro naman 'Ma' itong si Chase dahil sa hiya. Ako ay pigil sa pagtawa dahil baka masungitan ako nitong si mokong.



Nang matapos kaming kumain ay syempre ako ang pinaghugas ng plato, ano pa bang bago? Syempre everday hugas plato.





Aakyat na sana ako ng matapos ngunit tinawag ako ni mama.




"Magkaibigan ba kayo ni Chase?" Tanong bigla ni Tita Audrey kaya naman ako napatingin kay chase.



"Hindi po"



"We're friends


Sabay na sagot namin ni Chase kaya naman kunot noong napatingin ako sa kaniya. Nakataas ang isang kilay na nakatingin siya sa 'kin.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon