CHAPTER 37

701 17 0
                                    


Miley

Ang daldal netong si Cassper, feeling close habang si Chase ay nakikinig lang at panay sagot sa tanong nitong isa.



Halos kakadating lang namin at kakaorder lang pero kanina pang nasa sasakyan tanong ng tanong si Cassper.




"Excuse me, my fiancée  is outside" biglang sabi ni Chase saka tumayo at naglakad papunta sa pintuan.




"Fiancée? Engaged siya?!" Biglang baling ni Cassper sa 'kin.




"Oo" sagot ko habang ang tingin ay nasa hawak na telepono.




"Gago akala ko nakakaalala na siya kaya naging pasyente mo" Napatingin ako sa kaniya at nakitang napahawak siya sa bibig niya ng marealize na hindi padin alam ni Chase ang lahat.




"Akala mo kami na ulit kaya ka nag-aya kumain?"




"Hindi! Gusto ko lang siya chikahan atsaka gusto ko lang siya makilala ng lubusan"



"Bak–"



"Here's your order sir" biglang bungad ng waiter sa lugar namin saka inilapag ang order namin.




"Thank you" sabi ko nang mailapag na niya ito. Ngumiti lang siya bago umalis.




"Gago, ok lang ba sayo 'to?" Biglang tanong ni Cassper kaya ako napatingin sa kaniya.




"Ang alin? Yung pagkain ba? Ok lang naman"




"Hindi, 'yung kasama na'tin yung fiancée niya"




"Oo naman, naka move-on na ako. Wala ng problema sa'kin 'yon" sagot ko habang tumatango.




"Sure ka ha? Sabihin mo lang para mapag-isip kita ng alibi"




"Huwag ka mag-alala, hindi ito ang unang beses na makikita ko silang magkasama" sabi ko kaya naman siya ngumiti at tumango. Ilang oras pa ay dumating na sina Chase.



"I'm sorry medyo natagalan kami, nahirapan kasi akong maghanap ng mapa-parkan ko" ani Aira ng makalapit sila samin.




"Ok lang. Nag-order na nga pala kami, Si Chase nag-order ng sayo" sabi ko ng maka-upo sila. Napatingin siya sa pagkaing nasa harapan niya.




"Babe I think you forgot that I don't like steak" natatawang sabi ni Aira kaya ako napatingin kay Chase. Nakakunot ang kaniyang noo.



"I-I remember that It's your favorite" naguguluhang ani Chase.




"Diba ikaw may favorite ng steak?" Biglang bulong ng katabi ko kaya naman ako napatango.




"Kung gusto mo palit nalang tayo, paborito ko naman 'yan" sabi ko saka ngumiti.



"No, its ok. I'm allergic to shrimps" ani Aira kaya napatango nalang ako.



"Umorder nalang tayo ng bago, ako na magbabayad" sabi ni Cassper saka tinawag iyong waiter bago pa makasagot si Aira. Napatingin ako kay Chase na sobrang tahimik lang. Mukhang iniisip niya ang nangyayari.





Ang tahimik ng dalawa kaya pati kami ni Cassper ay hindi nagsasalita at nag-uusap lamang gamit ang aming tingin. Nang dumating na ang waiter ay nagsimula ng maging imbestigador itong si Cassper.




"May I ask kung paano kayo nagkakilala?" Aniya habang hinahati 'yung Steak niya.




"Nagkita kami sa plane, meron ata siyang meeting non sa Canada" Napatingin ako kay Cassper at ganon din siya. Gagong 'to biglang pareho kami ng naiisip.




Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon