CHAPTER 18

1K 33 1
                                    


Yugen cliff

"Omg! May boyfriend kana!" Masayang sabi ni Z.



"Hoy! Wag kang oa, dipa nga sure diba" suway ni Autumn.



"Eh kinonfirm na ni Chase diba?" Tanong naman ni Ara.



"Pero hindi alam ni Lara na ganon pala" sambit naman ni Autumn.



"Kasalanan 'yon ni Lara, hindi pinatapos si Chase" naiiling na sambit ni Z.



"May jowa na siya?" Tanong ni Lia bago sumubo ng v-cut, sabay-sabay naman silang tumango. Naiiling akong uminom. Ilang oras pa ang lumipas bago namin mapagdesisyonan na pumasok na sa kanya kanya naming klase.



"That is–" hindi naituloy ng prof namin ang sasabihin niya dahil biglang may kumatok sa pintuan. Lumabas ang prof namin saka maya mayang pumasok.



"Miss Vega" sambit niya kaya naman ako napatingin.



"Ma'am?"



"Mr. Chase wants to talk to you" aniya, kunot noo akong tumayo.



"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?" Tanong ko.



"Hanggang anong oras ka?" Tanong niya pabalik.



"Ha? Ah.. last na 'tong klase ko. Baket?"



"Are you free after this?" Tanong ulit niya.




"Oo? Teka nga hindi mo si–"




"Let's have a date" putol niya sa 'kin.




"Ha?! Wala ka na bang pasok? Hin–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa noo saka na naglakad paalis.




"I'll pick you up!" Sigaw niya habang naglalakad papalayo. Napakurap ako ng ilang beses bago natauhan, umiiling akong pumasok sa room namin. Hindi ko pinansin ang masamang tingin sa 'kin ni Stella.





Sa buong klase namin ay wala na akong naintindihan sa sobrang pagka lutang ko. Ano nanaman kayang uri ng espirito ang sumanib sa lalaking 'yon. Nang matapos ang klase namin ay naghihintay si Chase sa labas ng room namin.




Lalapit na sana ako ngunit nakapaligid sa kanya sina Stella. Napatawa ako ng makita ang kaniyang itsura na iritang irita na. Medyo napalakas ata ang tawa ko dahil napunta sa'kin ang atensyon nina Stella, pati na din siya ay nakatingin na ngayon sa 'kin.



"Let's go?" Tanong niya sabay lahad ng kamay. Napatitig ako ng sandali bago hinawakan ang kamay niya. Nagsimula na kaming maglakad ngunit naisipan kong mang inis, binalingan ko sina Stella na may masamang tingin samin. Kinindatan ko siya pagkatapos ay ngumiti ng matamis.



"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko ng makasakay siya sa sasakyan.



"You'll see" sagot naman niya.





"Wow" hangang saad ko habang nakatingin sa mga bituwin gamit ang telescope.



"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" baling ko kay Chase na nakatingin sa ilalim kung saan kita ang ilaw ng syudad.



"My friends told me" simpleng sagot niya kaya naman ako napatango. Umupo ako sa swing saka dumampot ng ubas. Napakaganda ng lugar na ito. Sariwa ang hangin, kita ang mga nagniningning na bituwin at ang bilog na buwan.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon