SPECIAL CHAPTER

1.1K 12 0
                                    

Disclaimer: This special chapter is about Lara's pov while she's in Canada.

"You ok?" Tita Jada asked. Tumango naman ako kasabay nito ang pagbuntong hininga ko. Its been 2 weeks simula ng makarating kami rito sa Canada. Two weeks without any communication with Chase. Tinapon ko na 'yung dati kong sim and I deactivated all my social media accounts.



"Lara, it hasn't been a year since we got here, you have to enjoy yourself, besides you'll be here for a bit" sabi ni Tita Jada saka ako nginitian upang pagaanin ang loob ko pero hindi 'yon nakatulong.



It hasn’t been a year pero pakiramdam ko antagal ko ng nandito, gusto ko ng bumalik ng pilipinas, gusto ko ng balikan ang mga bagay na iniwan ko, lalo na 'yung mga taong iniwan ko ng walang paalam. It hasn’t been a year but it already feels like a decade has already passed.



Napabuntong hininga nalang ako. I need be used to it, magtatagal din ako rito. I shook my head then lied down in my bed, itutulog ko nalang 'to.





Nang magising ako ay maaga pa kaya nagluto na ako ng agahan, unang nagising si Tito Adryan dahil may trabaho pa raw siya sumunod naman si Dash pagkatapos ay si Tita Jada at Lola. Si tito Adryan at Tita Jada ay inaasikaso 'yung business nila kaya mananatili muna sila dito sa Canada ng ilang buwan kasama namin, habang kami ni Dash ay nagsimula ng pumasok last week kung saan kami inenroll ni Lola.



"Dash dalian mo dyan!" Sigaw ko sa kapatid kong nasa banyo pa rin. Tapos na 'ko't lahat-lahat nasa banyo pa rin siya. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na rin siya.



"Bakit ba parati ka nalang maaga pumapasok? May bagong boyfriend ka 'no?" Panunukso niya sa'kin kaya naman binalingan ko siya.



"Eh ano naman kung meron?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya saka ipinagpatuloy ang pagaayos ng uniform ko.



"Isusumbong kita kay kuya Chase"



"Sige magsumbong ka para sa labas kana matulog" pagbabanta ko sa kaniya saka pa binalingan upang samaan ng tingin. Napapailing nalang siyang pumasok sa kwarto niya. Ilang oras pa ang lumipas bago siya lumabas.



"Ano ka ba?! Ang tanda tanda mo na magsuot lang ng necktie hindi ka pa marunong!" Nakakunot noong lumapit ako sa kaniya upang ayusin ang necktie niyang nakaside. "Bago ka mag girlfriend dapat marunong ka muna mag ayos ng necktie ha?" Bilin ko ng maayos ito kaya naman niya ako sinamaan ng tingin. Binaliwala ko ito saka bumalik sa sofa upang kunin ang bag ko.



"Tara na" aya ko saka na naunang naglakad papalabas. Isang bus at Ilang lakad lang ang layo ng pinapasukan namin kaya maaga lang din kaming nakarating dito.



"Huwag kang makikipag-away, makakatikim ka talaga sa'kin" Bilin ko kay Dash bago kami naghiwalay ng daan. Noong isang araw kasi ay bigla ba naman akong napatawag sa Dean's office dahil may nakaaway daw siya.



Pumasok muna ako sa unang klase ko na Biochemistry bago pumunta sa library upang doon magpalipas ng oras. Isang oras kasi ang pagitan ng bawat subject na'min kaya naman tumatambay muna ako dito. Wala pa akong kaibigan dito at wala akong balak magkaroon.





"Hey there Vega" Bati ng isang Maputing babae. Ano nga ulit pangalan nito? An... Andrea? Hindi eh, An... Angelica? Angelica who? Who the fuck? Ah! Annika!



"Do you need anything?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. Wala akong balak magkaroon ng kaibigan, lalong lalo na ng kaaway pero mukhang gustong maging isa netong si Annika.



Whispers of the Rain (Paraluman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon